Nadine Lustre, James Reid, Issa Pressman trend on Twitter amid JaDine breakup confirmation

by Rachelle Siazon
Jan 21, 2020
Video of Nadine Lustre (left) and James Reid (center) partying with friends go viral after they officially confirmed their breakup.
PHOTO/S: @nadine / @james / @pressmanissa Instagram

Trending sa Twitter sina Nadine Lustre, James Reid, at Issa Pressman ngayong Martes, January 21.

Ang mga pangalang "Nadine," "James," at "Issa" ay nanguna sa trending topics, pati rin rin ang "Jadine."

Kaugnay ito ng isyung hiwalayan nina James at Nadine, na kilala rin sa uniname na JaDine.

Continue reading below ↓

January 1, 2020, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinuldukan na nina James at Nadine ang halos apat na taon nilang relasyon.

Isang source na malapit sa dalawa ang nagsabing "irreconcilable differences" ang dahilan ng kanilang breakup.

Kagabi, January 20, kinumpirma nina Nadine at James na hiwalay na sila, sa pamamagitan ng joint statement na lumabas sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Sabi rito, mutual decision ang kanilang breakup dahil tingin nila ay mas makabubuti ito hindi lang para sa kanilang career kundi mas lalo sa kanilang "personal growth."

Pero hindi pa rin dito natapos ang isyu hinggil sa hiwalayan nina James at Nadine.

Tila idinadawit ng ilang netizens ang pangalan ni Issa sa breakup ng JaDine.

Ito ay base sa kumalat na videos sa social media pagkatapos kumpirmahin nina James at Nadine ang kanilang breakup.

FRONT VIEW VIDEO

Tampok ng espekulasyon sa social media ngayon ang dalawang bersiyon ng video na kuha sa isang party na dinaluhan ng grupo nina James at Nadine.

Continue reading below ↓

Sa isang video, na front view ang kuha, makikitang nasa isang party sina James at Nadine kasama sina Sam Concepcion, Issa Pressman, at ilan pang mga kaibigan.

Nakasuot ng button-down printed shirt si James; naka-sleeveless top at pants naman si Nadine.

Si Issa ay nakasuot ng bra top, pero maya-maya ay inabot nito ang tila itim na jacket na may white print sa likod.

Continue reading below ↓

Nakapusod ang buhok ni Issa gamit ang isang bandana.

Si Sam ay naka-button-down printed shirt din.

Continue reading below ↓

THE VIRAL BACK VIEW OF THE PARTYING GROUP

May video ring kuha sa kabilang dulo ng venue, at dito makikitang nakatalikod ang grupo nina Nadine at James na nagsasayawan habang nagpapatugtog ang isang disc jockey.

Kung susuriin ang video, makikitang sandaling lumapit sa isa't isa ang lalaking naka-light-colored shirt at isang taong nakasuot ng itim na damit.

Humawak ang lalaking naka-light-colored shirt sa balikat ng taong nakaitim na damit.

Continue reading below ↓

Habang ang taong iyon ay makikita ring sandaling humawak sa baywang ng lalaking naka-light-colored shirt.

Bahagyang madilim at malayo ang kuha ng video, kaya hindi malinaw kung nag-uusap ang dalawa at hindi magkarinigan sa lakas ng tugtog kaya tila halos magdikit ang mga mukha nito.

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, may netizens na nagbigay ng ibang kahulugan sa action shot na iyon.

Base ito sa laman ng usapan ng netizens sa trending topics sa Twitter:

ALLEGED CLEAR SCREENSHOTS OF THE VIRAL VIDEO

Kumalat sa social media ang naka-zoom at mas pinalinaw na screenshots umano ng viral video.

Continue reading below ↓

Dito ay makikitang nakahawak sa baywang ng lalaking hinihinalang si James ang isang taong nakalugay ang hanggang balikat na buhok.

May isa ring kuha kung saan nakahawak ang kanang kamay ni James sa kamay ng isang taong nakaitim na damit.

Hinihinala ng netizens na si Issa ang kahawak-kamay ni James, pero hindi malinaw iyon sa litrato dahil nakatalikod ito sa litrato/screenshot na nakalap ng netizens.

Kita naman ang mukha ni Nadine na nasa bandang likuran ni James at nakatingin sa ibang direksiyon.

Continue reading below ↓

Narito ang isa pang group photo nina James, Nadine, at Issa na kuha mula sa parehong party:

Dahil sa mga larawan at video na ito, pinalalabas ng ilang netizens na may kinalaman si Issa kung bakit nag-break sina James at Nadine.

Base sa Instagram posts ni James, kasalukuyan itong nasa Los Angeles, California, U.S.A.

Continue reading below ↓

Si Nadine ay tila kababalik lang ng Manila galing sa extended vacation nito sa Brazil.

Nagkita sina James at Nadine sa Brazil para sa isang fashion magazine shoot noong nakaraang linggo.

Nag-post pa noon sina James at Nadine ng ilang litrato nila, na tila nagpapahiwatig na positibo ang kanilang pagtatrabaho roon sa kabila ng kanilang napapabalitang hiwalayan.

Si Issa naman, base sa Instagram posts nito, ay nasa Amsterdam, Netherlands ngayon.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag sina Nadine, James, at Issa sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, pero wala pang sagot ang mga ito at press time.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Video of Nadine Lustre (left) and James Reid (center) partying with friends go viral after they officially confirmed their breakup.
PHOTO/S: @nadine / @james / @pressmanissa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results