Robi Domingo posts "On The Wings of Love" piano cover after JaDine breakup confirmed

by Jet Hitosis
Jan 21, 2020
Robi Domingo (left) posts his video while playing "On The Wings of Love" on the piano just hours after Nadine Lustre and James Reid (right) confirmed on Monday, January 20, that they had already broken up. "On The Wings of Love" was the former couple's first ABS-CBN teleserye.
PHOTO/S: @robertmarion Twitter

Pinahanga at pinaiyak ni Robi Domingo ang kanyang Instagram followers ngayong Martes, January 21, nang i-post niya ang sariling video habang tinutugtog sa piano ang “On The Wings of Love.”

Ibinahagi ni Robi ang video ilang oras matapos kumpirmahin nina James Reid at Nadine Lustre nitong Lunes ng gabi, January 20, na totoong hiwalay na sila.

Ang “On The Wings Of Love” ang theme song at titulo ng unang teleserye (OTWOL) sa ABS-CBN nina James at Nadine—o mas kilala bilang JaDine.

Sa caption, inilarawan ni Robi ang sarili na isang “OTWOLista forever.”

OTWOLista ang bansag noon sa avid fans ng serye nina James at Nadine, parehong 26 anyos.

ROBI SAYS JADINE BREAKUP IS “MASAKIT”

Saad sa kabuuang caption ni Robi: “OTWOLista forever (airplane emoji) #Push #Achieve #Juskolord”

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagkani-kanya ng pagpapahayag ng kalungkutan at panghihinayang ang fans ng JaDine.

Tatlong heartbroken emojis ang komento ng aktres na si Iza Calzado sa video ni Robi.

Komento naman ng kapwa Kapamilya TV host ni Robi na si Bianca Gonzalez: “Nananadya ka huhu [pensive face emoji]”

Nag-sorry si Robi kay Bianca, at nagpaliwanag na nasaktan din siya sa hiwalayan nina James at Nadine dahil kabilang ang dating magkasintahan sa “one of the best interviews I had.”

Continue reading below ↓

Reply ni Robi kay Bianca: “sorry ate b, one of the best interviews I had was with them kaya masakit [loudly crying face emoji]”

February 2016 at katatapos lang ng seryeng On The Wings Of Love nang magkaroon ng tell-all interview si Robi kina James at Nadine.

Kasama pa noon ni Robi na nag-interview sa JaDine si Gretchen Ho, na noong panahong iyon ay girlfriend pa ng TV host.

Continue reading below ↓

Sa naturang panayam, tinanong si James kung sa palagay ba niya ay si Nadine na ang kanyang forever.

Sagot noon ni James: “I see her in my life for a long time.”

FANS IN MOURNING

Ang Instagram followers ni Robi ay naging emosyonal sa piano cover ng 30-anyos na TV host.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sinabi pa ng ilang nagkomento na sa OTWOL talaga nila unang hinangaan at kinakiligan ang JaDine.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Umere sa ABS-CBN ang OTWOL, simula August 2015 hanggang February 2016, sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin.

JADINE CONFIRMS BREAKUP

Nitong Lunes ng gabi lang kinumpirma nina James at Nadine ang hiwalayan nila, sa pamamagitan ng official statement na ipinadala ng dating magkasintahan sa Tonight With Boy Abunda.

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang nagbalita, noong January 1, 2020, na hiwalay na sina James at Nadine dahil sa "irreconcilable differences."

Mag-aapat na taon na sana ang relasyon nina James at Nadine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robi Domingo (left) posts his video while playing "On The Wings of Love" on the piano just hours after Nadine Lustre and James Reid (right) confirmed on Monday, January 20, that they had already broken up. "On The Wings of Love" was the former couple's first ABS-CBN teleserye.
PHOTO/S: @robertmarion Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results