Luis Manzano asks help to report fake "Vilma Santos Recto" Twitter account

Jan 21, 2020
Luis Manzano has repeatedly asked the help of netizens to report a Twitter account that he claimed allegedly poses as his mother, Batangas Representative Vilma Santos-Recto.
PHOTO/S: Courtesy of Aileen Catapang, @luckymanzano on Instagram

Tatlong beses nang humingi ng tulong si Luis Manzano sa netizens ngayong linggo upang mai-report ang Twitter account na umano'y nagpapanggap na sa kanyang ina na si Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Mag-aalas kuwatro ngayong Martes, January 21, nang umapela si Luis sa kanyang 5.6 million Twitter followers na tulungan siyang i-report ang handle na @vilmaSRecto “as a fake account.”

Continue reading below ↓

Ang account ay may pangalang "Vilma Santos Recto," at ginagamit ang litrato ng actress-politician.

Ayon sa profile info ng naturang Twitter user, March 2012 ito nagbukas ng account sa micro-blogging site, at mayroong 754 following at 5,753 followers.

Nauna rito, nitong Huwebes ng hapon, January 16, nagpasaklolo ang 38-anyos na TV host sa netizens upang ma-retweet at mai-report ang inirereklamo niyang “fake account.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ibinahagi ni Luis ang tweet ng umano’y poser, na nagke-claim na siya ang “star for all season,” at may hashtag na #TaalEruption2020.

Nang araw na iyon, nag-tweet ang umano’y poser at nakisawsaw sa mainit noong isyu sa presyuhan ng N95 mask na ibinebenta sa online store ni Luis.

Reply ni Luis sa tweet: “Fake account guys! Please Rt And report! :)”

Continue reading below ↓

Pagsapit ng Biyernes ng madaling-araw, January 17, inulit pa ni Luis ang kanyang apela.

Panawagan ng TV host, i-report ang naturang Twitter account dahil sa pagkakalat ng “fake news and harassing people.”

Tuwing magti-tweet si Luis laban sa aniya’y poser ng kongresista, umaaksiyon ang kanyang followers, 'tsaka kukumpirmahin na nai-report na nila sa Twitter ang naturang account.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pero nang silipin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Twitter account na inirereklamo ni Luis ay active pa rin ito, at press time.

Nitong January 18, mismong si Vilma na ang nag-post sa Instagram upang magbigay-babala sa publiko laban sa parehong Twitter account na inirereklamo ni Luis.

Caption ng dating Batangas governor: "This is a fake account [two thumbs down emojis]"

Continue reading below ↓

Nabatid na November 4, 2017 pa nang unang magbabala si Luis sa netizens laban sa Twitter user na si @vilmaSRecto.

Dati nang iniulat ng media na bukod sa Facebook at Instagram, wala nang iba pang social media account si Congresswoman Vilma.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano has repeatedly asked the help of netizens to report a Twitter account that he claimed allegedly poses as his mother, Batangas Representative Vilma Santos-Recto.
PHOTO/S: Courtesy of Aileen Catapang, @luckymanzano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results