Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Gerald Anderson reflects on breakup with Bea Alonzo: "What could I have done better?"

by Bernie V. Franco
Jan 22, 2020
Gerald Anderson on controversial breakup with Bea Alonzo: “But I also accepted a relationship doesn’t fail just because of one person. It really takes two, kasi kayong dalawa ang andoon.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Aminado si Gerald Anderson na may pagkukulang siya sa paghihiwalay nila ng dating girlfriend na si Bea Alonzo, pero hindi lang daw siya ang dapat sisihin.

Sa episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay nitong Martes, January 21, inusisa si Gerald tungkol sa kontrobersiyal niyang love life noong 2019.

Inamin ni Gerald na may mga gabi pa ring napapaisip siya kung paano sana niya na-handle nang maayos ang naging relasyon nila ni Bea.

Saad niya, “Hindi naman ako nagmamalinis na… until this day, there’s nights na parang, ‘What could I have done better? Ano yung dapat kong ginawa…'

“And then, habang tumatagal, dun ko po nari-realize na there’s always two versions talaga, e.

“At iba yung perspective ng bawat tao sa relationship.

“It takes two to tango.”

Diin ni Gerald, “But I also accepted a relationship doesn’t fail just because of one person.

“It really takes two, kasi kayong dalawa ang andoon.”

Continue reading below ↓

THE BIG NEWS

Isa sa pinakamalaking balita sa showbiz noong 2019 ay ang paghihiwalay nila ni Bea pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon.

July 2019 nang pumutok ang balita tungkol sa diumano’y pagtataksil ni Gerald kay Bea, matapos kumalat sa social media ang paparazzi shots ng aktor kasama si Julia Barretto.

Inakusahan si Julia na diumano'y third party sa Bea-Gerald breakup.

Inalmahan nina Gerald at Julia ang akusasyong may namamagitan sila.

Itinanggi ni Julia na siya ang third party.

Sabi rin ni Gerald sa isang interview, walang kinalaman si Julia sa paghihiwalay nila ni Bea.

Pero kinumpirma ng aktor na break na sila ni Bea, dahil sa isang malaking away na humantong sa ayawan.

Pagbubunyag naman ni Bea, wala silang formal breakup ni Gerald at basta na lamang siya hindi kinausap ng aktor.

GERALD’S SUPPORT GROUP

Sabi ni Gerald, malaki ang pasasalamat niya sa co-stars niya sa A Soldier’s Heart, ang bagong ABS-CBN primetime series na kanyang pinagbibidahan.

Continue reading below ↓

Kasama ni Gerald sa teleserye sina Carlo Aquino, Nash Aguas, Elmo Magalona, Yves Flores, at Vin Abrenica.

Sila raw ang naging sandalan ng Kapamilya actor.

“Yung bigat na iyon, kung iki-keep mo sa sarili mo, sasabog ka talaga,” pakli ni Gerald.

Sa simula, humingi raw ng payo si Gerald sa kanyang co-stars tungkol sa isang kaibigang may pinagdadaanan sa relasyon.

Itinago raw ni Gerald na siya ang may problema sa pag-ibig.

“Nag-open up ako sa kanila sa isang taping namin, pero hindi ko sinabi na ako yun.

“'Tapos parang sabi nila, ‘Ay, oo, bro, ganyan-ganyan…’

"So, parang gumaan agad ang pakiramdam ko na parang, ‘Ah, okay, normal. Hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito.’”

Umamin daw si Gerald sa kanyang co-stars noong pumutok na ang balita at naging malaking isyu ang paghihiwalay nila ni Bea.

Sa kanyang co-stars din daw kumuha ng lakas si Gerald.

“Makita ko lang sila… nandun na kami, magba-basketball during break, or kakain kami sa labas, kakain kami sa kampo, ang ano, e, sobrang sarap na may ganito ako.”

Continue reading below ↓

May napagtanto rin si Gerald dahil sa naranasang pagsubok.

“I think, Papa God gives you the challenges at the right time of your life.

“Alam Niya na He gives the worst challenges to the strongest soldiers, and isa yun sa mga na-realize ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on controversial breakup with Bea Alonzo: “But I also accepted a relationship doesn’t fail just because of one person. It really takes two, kasi kayong dalawa ang andoon.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results