Nadine Lustre, Yassi Pressman hang out together despite Issa Pressman rumored involvement in JaDine breakup

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2020
JaDine fans commend Nadine Lustre and Yassi Pressman for maintaining their friendship amid alleged involvement of Yassi's younger sister, Issa Pressman, in Nadine-James Reid breakup.
PHOTO/S: Courtesy: @nadine / @yassipressman on Instagram

Ikinatuwa ng JaDine fans ang mga kumakalat na larawan nina Nadine Lustre at Yassi Pressman sa social media.

Ito ay sa kabila ng isyung nagdadawit sa nakababatang kapatid ni Yassi na si Issa Pressman sa hiwalayan nina Nadine at James Reid.

Sa Instagram Stories ng kaibigan nina Nadine at Yassi na si Chino Villagracia, Martes ng gabi, January 21, ibinahagi nito ang larawan nilang magkakaibigan na tila chill lang sa isang sala.

Bukod sa tatlo, nasa larawan din ang aktor na si Bret Jackson at isa pang kaibigan nila.

Continue reading below ↓

Walang nakalagay na caption ang nasabing post.

Ibinahagi ni Nadine ang kaparehong larawan sa kanyang Instagram Stories.

Nakalagay sa caption: “plannings gamay.”

Sa Twitter, ibinahagi ng ilang JaDine fans ang kanilang kagalakan na napanatili raw nina Nadine at Yassi ang kanilang closeness sa kabila ng isyung kumakaladkad sa nakababatang kapatid ng huli.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang fan: “nadine lustre and YASSI PRESSMAN still hanging out 10 HOURS AGO mahihiya rin naman ata si yassi kay nadz kung totoo man ang cheating allegations diba so bakit makiki-hangout pa???? kaloka”

Sabi pa ng isang fan: “Yall so pressedt with the james-issa issue when nadine is out there chillin' with yassi, issa's sister. Lauren even posted a pic with nadine on instagram. she's james' sister btw. AND NADINE LUSTRE LIKED ISSA PRESSMAN'S LATEST IG POST!”

Continue reading below ↓

Ayon naman sa isa pang fan: “Yassi Pressman is one of my favourite friend of Nadine Lustre. A private friendship, no need to rub it on the face of the public.”

Continue reading below ↓

January 20, kinumpirma nina Nadine at James na hiwalay na nga sila sa pamamagitan ng isang joint statement na ipinadala nila sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN.

Unang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalayan ng dalawa noong January 1, 2020.

Sa February sana magsi-celebrate sina James at Nadine ng kanilang apat na taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JaDine fans commend Nadine Lustre and Yassi Pressman for maintaining their friendship amid alleged involvement of Yassi's younger sister, Issa Pressman, in Nadine-James Reid breakup.
PHOTO/S: Courtesy: @nadine / @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results