Yassi Pressman posts photo with Nadine Lustre; defends sister Issa against third-party rumor

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2020
Yassi Pressman (left photo, with Nadine Lustre) speaks up about rumors dragging sister Issa Pressman (right) into the breakup of Nadine and James Reid.
PHOTO/S: Courtesy: @yassipressman / @pressmanissa on Instagram

Nagsalita na si Yassi Pressman kaugnay ng pagkakaladkad ng pangalan ng nakababatang kapatid niyang si Issa Pressman sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid.

Si Issa ang itinuturong third party ng ilang netizens sa breakup ng JaDine.

Sa bagong post ni Yassi sa Instagram ngayong tanghali ng Miyerkules, January 22, sinabi nitong hindi papatol ang kapatid sa mga nagsilabasang intriga.

Pahayag ni Yassi: "Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo [smiley emoji]

"Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya."

Ibinahagi rin ng Ang Probinsyano actress ang bonding nila ng best friend na si Nadine kagabi, January 22.

Saad ni Yassi (published as is): "this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. [smiley emoji]

"Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then....

Continue reading below ↓

"they started getting out of hand, at di na yun tama.."

THINK BEFORE YOU CLICK

Kasunod nito, nakiusap si Yassi na sana ay tigilan na ng bashers ang pagpapakalat ng maling balita.

"Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.

"Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media.

"They're not always the truth.

"Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information.
#thinkbeforeyouclick"

Tiniyak ni Yassi na okay lang sila ng kapatid na si Issa at kaibigang si Nadine sa kabila ng mga isyu at intriga.

"We're all okay. Sana po kayo din.

"Let's respect everyone. [smiley, heart emojis]."

Continue reading below ↓

WOULD YOU BE PROUD?

Sa isa pang larawan sa nasabing post ni Yassi, may mensahe sila ni Nadine tungkol sa bashers.

Nakalagay rito: "If you can tattoo on your body ALL the words you say online, would you be proud?"

Kinumpirma nina Nadine at James na hiwalay na nga sila matapos ang halos apat na taong relasyon, sa pamamagitan ng isang joint statement na ipinadala nila sa Tonight With Boy Abunda noong January 20, Lunes.

Continue reading below ↓

Ito ay makalipas ang 19 araw nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalayan ng dalawa noong January 1, 2020.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman (left photo, with Nadine Lustre) speaks up about rumors dragging sister Issa Pressman (right) into the breakup of Nadine and James Reid.
PHOTO/S: Courtesy: @yassipressman / @pressmanissa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results