Iza Calzado has funny reaction to netizens tagging her "ahas" in JaDine breakup

by Jet Hitosis
Jan 22, 2020
Iza Calzado trends on Twitter on January 21, after some netizens mistakenly tagged her as the "ahas" behind James Reid-Nadine Lustre split: "Does this mean pasok pa Ako sa early 20s market? May asim pa si Tita Iza? Wrong account though! Hahaha!”
PHOTO/S: @missizacalzado on Instagram

Idinawit ng ilang netizens si Iza Calzado sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

At “TAWANG-TAWA NG BONGGA” ang 37-anyos na happily married actress.

Ito ay matapos na ilang netizens ang nag-akusa sa kanya ng pagiging third party sa hiwalayan ng dating reel-and-real love team, na kilala bilang JaDine.

Martes, January 21, nang akusahan si Iza ng ilang JaDine fans sa pang-aagaw umano kay James, 26, mula kay Nadine, 26.

Kasunod ito ng pagte-trending sa social media ng visual artist na si Issa Pressman, na pinagbibintangang dahilan sa pagtatapos ng mag-aapat na taon na sanang relasyon ng JaDine.

Si Issa ay nakababatang kapatid ng Kapamilya actress na si Yassi Pressman.

Malinaw na napagkamalan ng ilang JaDine fans na si Iza ang Issa na isinasangkot sa hiwalayan nina James at Nadine.

NETIZENS CALL IZA “AHAS”

Sa Instagram Stories ni Iza nitong Martes, ibinahagi niya ang screenshot ng isang Facebook post, na may litrato niya.

Continue reading below ↓

Saad sa post: “Kung totoo man ang issue, sana masaya ka sa ginawa mo kay James and Nadine! [3 snake emojis]”

Bakas ang gulat ng aktres sa caption niya sa naturang screenshot: “People of the Philippines, Anong kaguluhan ito??? Hahaha!

“May asawa na Ako! Lord! [grinning face with sweat emoji]”

Continue reading below ↓

Isang taon nang kasal si Iza sa Fil-British na negosyanteng si Ben Wintle.

Sa sumunod na litrato sa Stories ni Iza, mababasa ang private message na ipinadala sa kanya.

Naghihimutok at direktang nagbibintang ang nag-message sa aktres:

“Grabe ka Iza, alam mo naman na madaming nag mamahan sa JADINE. Inahas mo pa si James.

“Kawawa naman si Nadine. Ahas!”

“MAY ASIM PA”

Kuwela naman ang caption ni Iza sa pangalawang litrato, at nilinaw na “wrong account” ang pinadalhan ng private message ng netizen.

Caption ni Iza: “But wait, there’s more! Does this mean pasok pa Ako sa early 20s market? May asim pa si Tita Iza?

“Wrong account though! Hahaha!”

Dagdag ng aktres: “Pero seryoso guys, sad Ako nag-break ang #JaDine [heart broken emoji]”

Continue reading below ↓

Ang ikatlong litrato, ibinahagi ni Iza ang Instagram Story ng StarStudio.ph tungkol sa pagkakadawit niya sa JaDine breakup, at sumegunda na “may asim talaga siya!”

Sa maikling caption, muling idinaan ng aktres sa biro ang issue: “GANDA KO EH! HAHAHA! [snake emoji]”

IZA TRENDS ON TWITTER

Kaugnay nito, nag-trend sa Twitter si Iza nitong Martes.

Continue reading below ↓

Ipinost pa nga ito ng isa sa kanyang followers.

Sagot ng aktres: “NAKAKALOKAAAA HAHAHA!!! Times like these, itatawa na lang natin diba? What Matters Most is.. TRENDING! Hahaha!”

Ang Instagram Stories ni Iza, sama-samang ipinost ng isa pang Twitter user.

Nag-reply ang aktres: “Newest endorser of Datu Puti. May Asim pa! HAHAHAHA”

Continue reading below ↓

Sa isa pang netizen na nagsabing marahil ay tawa nang tawa si Iza sa nagkamaling pagkakadawit niya sa breakup nina James at Nadine, sagot ng Kapamilya actress: “TAWANG TAWA NG BONGGA! [rolling on the floor laughing emoji]”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado trends on Twitter on January 21, after some netizens mistakenly tagged her as the "ahas" behind James Reid-Nadine Lustre split: "Does this mean pasok pa Ako sa early 20s market? May asim pa si Tita Iza? Wrong account though! Hahaha!”
PHOTO/S: @missizacalzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results