Nadine Lustre expresses love for Issa Pressman amid third-party allegation

by Bernie V. Franco
Jan 22, 2020
Nadine Lustre (left) expresses support to Issa Pressman, younger sister of Yassi Pressman (right), who is accused by netizens of being the third party in the James Reid-Nadine breakup.
PHOTO/S: Noel Orsal / @yassipressman on Instagram

Nagpakita ng suporta si Nadine Lustre kay Issa Pressman sa gitna ng pagkakadawit ng huli sa breakup nina Nadine at James Reid.

Isang simpleng mensahe ang ipinarating ni Nadine kay Issa sa Instagram, pero klarong pagpapakita ito ng suporta kay Issa, na ngayon ay tampulan ng matinding bashing sa social media dahil sa alegasyong siya diumano ang dahilan ng JaDine breakup.

Ngayong Miyerkules, January 22, nag-post sa Instagram si Yassi Pressman para ipagtanggol ang nakababatang kapatid na si Issa.

Kalakip ng post ay ang larawan nina Yassi at Nadine na kuha mula sa bonding nila nitong Martes ng gabi, January 21.

Kilalang malapit na magkaibigan sina Nadine at Yassi, at kasama sa kanilang circle of friends sina James at Issa.

Sa kanyang post, ikinuwento ni Yassi na napag-usapan nila ni Nadine ang tungkol sa naglabasang “untrue statements” kasunod ng announcement ng breakup ng JaDine.

Ani Yassi, noong una ay pinagtatawanan pa nila ang mga alegasyon, pero kalaunan, “they started getting out of hand.”

Continue reading below ↓

Bahagi ng post ni Yassi: “Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.”

Isa sa mga nagkomento sa post na ito ni Yassi ay si Nadine.

Maikling mensahe ni Nadine: "Love u both."

Naka-tag sa komento niya ang magkapatid na sina Yassi at Issa.

Isa itong malinaw na indikasyong walang katotohanan ang alegasyong si Issa ang third party sa breakup nina Nadine at James.

Continue reading below ↓

Maliban dito ay wala pang inilalabas na pahayag si Nadine tungkol sa bintang kay Issa na third party sa breakup nila ni James.

Kinumpirma nina James at Nadine ang breakup nila sa pamamagitan ng joint statement na lumabas sa ABS-CBN late-night show na Tonight With Boy Abunda noong Lunes, January 20.

Tatlong linggo na ang nakalilipas nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang hiwalay na ang popular love team.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre (left) expresses support to Issa Pressman, younger sister of Yassi Pressman (right), who is accused by netizens of being the third party in the James Reid-Nadine breakup.
PHOTO/S: Noel Orsal / @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results