Luis Manzano slams netizen accusing him of being "bitter" about Angel Locsin's Taal relief efforts

by Rachelle Siazon
Jan 22, 2020
Luis Manzano refutes netizen's claim that he's taking a swipe against ex-girlfriend Angel Locsin posting her relief efforts on social media.
PHOTO/S: @luckymanzano Instagram / Twitter

Mariing pinabulaanan ni Luis Manzano ang alegasyong pinapatutsadahan niya ang ex-girlfriend na si Angel Locsin sa mga isinagawa nitong relief operations para sa Taal eruption survivors.

Ito ay matapos bigyan ng ibang kulay ng netizen ang posisyon ni Luis tungkol sa pag-aabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal noong January 12, 2020.

Sabi ng netizen, tila "ampalaya" raw ang labas ni Luis "kc subrang napakabitter mo pati ba nman pag tulong ni angel pakialaman mo."

Mukha raw kasing "apiktado" si Luis sa ginagawa ni Angel.

Dagdag pa nito, "move on boy move on."


Continue reading below ↓

Inulit pa ng netizen ang pagtawag kay Luis na "bitter."


Base ito sa tweets ng netizen kay Luis noong January 19.

Noong araw na iyon ay nag-post si Angel ng "accounting" ng lahat ng sponsors at volunteers sa isinagawang relief operation ng kanyang grupo sa Batangas City.

Ito naman ang statement ni Luis, na naiulat sa entertainment news sites, na kinukuwestiyon ng netizen:

Continue reading below ↓

"Gusto mo tumulong and post?

"Great job, gusto mo tumulong behind the scenes? Great job pa rin.

"But never invalidate help or someone just because it is not posted online."

NO MENTION OF ANGEL AT ALL

Nagulantang si Luis na pilit inuugnay ng netizen sa kanyang viral statement ang napabalitang relief efforts ni Angel.

Diin ng TV host-actor, hindi isyu sa kanya kung ilabas man sa social media o palihim lang ang ginagawang pagtulong sa kapwa.

Malinaw ring walang binanggit na personalidad si Luis sa kanyang pahayag tungkol sa Taal relief efforts.

Ni isa sa kanyang tweets ay walang banggit sa pangalan ni Angel.

Buwelta ni Luis: "Ate, naiintindihan mo ba nakasulat sa headline po o nag react ka lang?

"1) may sinabi ba ako na hindi dapat makita ang tulong? Check mo posts ko

"2) bakit ako mag iinvalidate ng tulong may post man o wala? Tulong yun.

"3) may nakikita ka ba na di namin nakikita?

Continue reading below ↓

"4) ayan example pa o."

Kalakip ng mensahe ni Luis sa netizen ang screenshot ng mismong tweet niya na pinanggalingan ng mga balita.


LUIS RESPONDS TO SUPPORTERS

May isa namang netizen ang naglagay ng emoji na napahawak sa noo, tanda ng pagkontra nito sa netizen na bumabatikos kay Luis.

Continue reading below ↓

Hindi raw kasi nakakatulong ang tirada ng netizen na walang basehan.

Nagtatakang napaisip pa si Luis, "Nagpost ba ako na balewala ang tulong kung pinopost? Baka may nakikita siya na di natin nakikita, baka pwede ipa Jessica Soho."

Para kay Luis, ang "kindness" ay "kindness" gawin man ito ng pribado o sa harap ng publiko.

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang nagpayo kay Luis na huwag na lang patulan ang mga "utak talangka."

Biro na lang ni Luis, "Curious lang kung may 4th eye siya."


HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano refutes netizen's claim that he's taking a swipe against ex-girlfriend Angel Locsin posting her relief efforts on social media.
PHOTO/S: @luckymanzano Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results