Ara Mina, Sylvia Sanchez, Rosanna Roces, Ynez Veneracion distribute relief goods to Taal victims

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2020
Ara Mina, Sylvia Sanchez, Rosanna Roces, and Ynez Veneracion distribute relief goods, food, and water to Taal Volcano eruption victims in different evacuation centers in Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: San Luis, Batangas-MIO / Ynez Veneracion on Facebook

Patuloy pa rin ang pagbabayanihan ng mga Pilipino sa gitna ng kalamidad na dulot ng pagputok ng Bulkang Taal noong January 12, 2012.

Bukod sa mga ordinaryong Pilipino, maraming mga artista na ang nagsagawa ng relief operations sa evacuation centers sa Batangas.

Kabilang sa kanila sina Angel Locsin, Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo, Melai Cantiveros at asawang si Jason Francisco, at ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig.

Kahapon, January 21, ang Ang Probinsyano actress na si Ara Mina, kasama ang kanyang grupo, ay namahagi ng relief goods sa San Luis, Batangas.

Ayon sa Facebook post ng San Luis, Batangas-MIO: "Maraming salamat po Team Super Klenk headed by Miss Ara Mina. Mabuhay po kayo! #bayanngsanluis
#BangonBatangas #TaalVolcanoEruption2020"

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Bukod sa San Luis, may iba pang lugar ang pinuntahan nina Ara.

Sabi ng aktres sa Instagram: “On our way to our next evacuation stop, this caught my attention 'Ms. Ara, pasulyap naman' super overwhelmed with their warm welcome kaya I decided to go down and meet them.”

Continue reading below ↓

SYLVIA, ROSANNA, YNEZ

Kahapon din, nagtungo ang grupo nina Sylvia Sanchez, Rosanna Roces, at Ynez Veneracion sa Bolbok, Batangas upang mamigay ng relief goods at pagkain.

Sabi ni Ynez sa kanyang Facebook post, ayaw ipa-post ni Sylvia ang kanilang ginawang pagtulong, pero hindi raw niya ito sinunod.

Kuwento ni Ynez, “Another batch of charity work in Bolbok Batangas with these beautiful people Jojo Campo Atayde, Rosanna Roces Mij Santos, Bobby G. Casuela, Andrew Ricafort, Lilane Calingasan.

“Actually ayaw talaga ipa post ni ate Sylvia ang charity na to. Kahit sa Vlog nya ayaw nya pakuhanan. Matigas lang talaga ulo ko [laughing emojis]”

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon, nasa evacuation centers pa rin ang maraming Batangueño dahil may ilang bayang isinara na dahil sa labis na epekto ng pagputok ng bulkang Taal.

Pero patuloy na bumubuhos naman ang tulong ng gobyerno at netizens para sa kanila.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina, Sylvia Sanchez, Rosanna Roces, and Ynez Veneracion distribute relief goods, food, and water to Taal Volcano eruption victims in different evacuation centers in Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: San Luis, Batangas-MIO / Ynez Veneracion on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results