Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

#LeaveJuliaBarrettoAlone: Fans defend actress now being dragged into JaDine split

Jan 22, 2020
Julia Barretto (left) gets dragged into the James Reid-Nadine Lustre breakup after bashers released an old photo of her with Issa Pressman (right). On January 21, Julia's fans trended #LeaveJuliaBarrettoAlone on Twitter.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram, from Twitter

Nagkakaisang dumepensa ang fans ni Julia Barretto laban sa mga pilit na idinadawit ang aktres sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Nitong Martes, January 21, nagtagumpay ang fans ni Julia na mapa-trend sa Twitter ang #LeaveJuliaBarrettoAlone.

Ito ay matapos na kumalat sa social media nang araw na iyon ang lumang litrato ni Julia kasama si Issa Pressman.

Continue reading below ↓

Si Issa ang pinagbintangan ng ilang fans nina James at Nadine—mas kilala bilang JaDine—na third party sa hiwalayan ng dalawa.

Kinabitan ng ilang netizens ng mga maiintrigang caption ang naturang litrato nina Julia at Issa.

Sa isang caption, nakasaad na dahil ba “friends” ang dalawa, applicable na sa kanila ang kasabihang “birds of the same feather flock together?”

Continue reading below ↓

Ang isa pang netizen, ginamit ang naturang litrato para manawagan sa kababaihang huwag maging “Julia or Issa in someone’s relationship.”

JULIA’S FANS REACT; TREND ON TWITTER

Ang parehong posts ay umani ng batikos mula sa fans ni Julia, na nagsabing malinaw namang walang kinalaman ang aktres sa hiwalayan nina James at Nadine.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Reklamo nila, nananahimik ang 22-anyos na aktres, pero hindi pa rin ito tinatantanan ng “bullying” kaugnay ng kinasangkutang kontrobersiya noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

July 2019 nang madawit si Julia sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Kapwa itinanggi nina Gerald at Julia na may kinalaman ang young actress sa breakup ng aktor kay Bea.

Samantala, kahit ang mga hindi fans ni Julia, ginamit ang #LeaveJuliaBarrettoAlone upang punahin ang pilit na pag-uugnay sa aktres sa JaDine breakup, dahil lang kaibigan nito si Issa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

YASSI DEFENDS ISSA

Si Issa ay nakababatang kapatid ng aktres na si Yassi Pressman.

Sa isang Instagram post ngayong Miyerkules, January 22, pinabulaanan ni Yassi na may kinalaman si Issa sa hiwalayan.

Sumagot pa nga si Nadine ng "Love u both” sa naturang post ni Yassi, at tinag ang magkapatid na Pressman.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) gets dragged into the James Reid-Nadine Lustre breakup after bashers released an old photo of her with Issa Pressman (right). On January 21, Julia's fans trended #LeaveJuliaBarrettoAlone on Twitter.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram, from Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results