Alden Richards, nanawagan pa ng tulong para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 23, 2020
"Mahaba-haba pong tulungan 'to," ani Alden Richards tungkol sa tulong na kailangan ng mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal. Nakita raw ni Alden ang epekto ng pagputok ng Taal Volcano nang maghatid siya ng tulong sa ilang evacuation areas sa Alitagtag at Mataas Na Kahoy, Batangas.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

Nanawagan si Kapuso actor Alden Richards ng dagdag na tulong pa para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal.

Sa report ng 24 Oras kahapon, January 22, nilibot ni Alden ang ilang evacuation centers sa Alitagtag at Mataas Na Kahoy kunsaan lumikas ang marami sa naapektuhan ng Taal Volcano eruption. Tubong-Laguna si Alden at marami raw siyang kakilala at mga kaibigan sa mga karatig na lugar.

Namahagi si Alden ng ilang food bags at sa kanyang maliit na paraan, sana raw ay nakapaghatid siya ng saya sa mga nalulungkot sa mga ganitong pagkakataon.

Pero panawagan ng tinaguriang "Asia's Multimedia Star," kailangan pa ng dagdag na tulong ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

"Mahaba-haba pong tulungan 'to," ani Alden.

"Sana hindi tayo magsawa and we continue doing relief operations for the evacuees ng Taal, sa Taal area, especially sa Batangas.

"Sa mga gustong tumulong, sana i-ready pa natin yung mga gusto nating itulong sa kanila para tuluy-tuloy lang. Kasi nakita ko, e. I was there. Nakapunta ako sa different evacuation areas, kailangan pa nila ng tulong.

Continue reading below ↓

"Sana hindi matapos lang sa isang bigayan. We have to continue," dagdag-panawagan pa ni Alden.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mahaba-haba pong tulungan 'to," ani Alden Richards tungkol sa tulong na kailangan ng mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal. Nakita raw ni Alden ang epekto ng pagputok ng Taal Volcano nang maghatid siya ng tulong sa ilang evacuation areas sa Alitagtag at Mataas Na Kahoy, Batangas.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results