Is Eugene Domingo married to Italian partner?

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2020
Is Danilo Bottoni "the one" for Eugene Domingo? The actress says, "Oo, napaluha ako at, hanggang ngayon, medyo sinasampal-sampal ko yung sarili ko. Saka tinitingnan ko siya, lalo na kapag nagluluto, pinagsisilbihan ako, 'tapos nakikinig sa mga daldal ko. Tinitingnan kong maigi..."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Matagal nang usap-usapang kasal na si Eugene Domingo sa Italian partner niya, ang film critic na si Danilo Bottoni.

Pero walang direktang pag-amin mula sa Kapuso actress.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eugene sa set ng Dear Uge Presents kahapon, January 23, may halong birong kinumusta namin siya bilang "housewife."

Walang denial na nanggaling kay Eugene na kasal na sila ni Danilo.

Nakangiti niyang sagot, "Housewife agad?"

Pero dagdag ng 48-year-old actress, "Napaka-domestic ko, maasikaso, nagluluto ako.

"Siya rin naman, nagluluto, mas masarap pa nga siya na magluto.

"Si Ai-Ai delas Alas ang nagsabi sa akin, 'Kailangan mong maghanap ng partner, BF.'

"Sabi ko, okey naman ako.

"Di ba, halimbawa, kapag pagod ka na rin sa kaaantay, parang wala naman may gusto sa 'yo, nagiging ma-pride ka na lang.

"'Naku, hayaan mo na BF! Ang mahalaga, may trabaho,' ganyan.

"Pero kapag nakita mo naman at na-experience mo yung love, you want that love for everybody to experience.

Continue reading below ↓

"Parang sana lahat ng tao, maka-experience ng ganitong love. Ang sarap, e!"

Paano natukoy ni Eugene sa kanyang sarili na si Danilo na nga ang para sa kanya?

Sagot niya, "Hindi mo talaga siguro masusunod na eto ang mga listahan o checklist mo.

"Basta, alam mo because yung inyong love, e, may partnership, complete, e."

IS HE THE ONE?

Napaluha ba si Eugene nang maramdaman niyang si Danilo na ang gusto niyang makasama habambuhay?

Tugon niya, "Oo, napaluha ako at, hanggang ngayon, medyo sinasampal-sampal ko yung sarili ko.

"Saka tinitingnan ko siya, lalo na kapag nagluluto, pinagsisilbihan ako, 'tapos nakikinig sa mga daldal ko.

"Tinitingnan kong maigi. 'Totoo ba ito?' Akalain mo, forty years yun na hinintay ko, almost... more than.

"Tinatanong ko yung ibang tao, 'Nakikita niyo ba siya?' Kasi, baka ako lang ang nakakakita.

"Sabi nila, 'Nakikita namin siya. Totoo siya.'"

Sabi pa ni Eugene, "Hanggang ngayon, after four years, hindi pa rin ako makapaniwala.

Continue reading below ↓

"Talagang every time I wake up, 'Lord, thank you. Thank you so much for giving me this man. I promise, I will take care of him.'

"Talagang this is a reward. Thank you, thank you talaga."

DEAR UGE PRESENTS

Ang reformation ng Dear Uge ang dahilan kaya malilimitahan na ang madalas na pagpunta ni Eugene sa Italy para magkita sila ni Danilo.

Wala na rin sa kategorya ng long-distance ang relasyon ng dalawa dahil naririto si Danilo sa Pilipinas, kaya tutok na tutok na si Eugene sa Sunday afternoon program niya sa GMA-7.

Pahayag ni Eugene, "Sobrang naa-appreciate ko ang GMA-7.

"Talagang yung tiwala nila sa akin, talagang kapuso. Puso sa puso ang usapan.

"Ako, sinasabi ko talaga buong puso akong makiki-cooperate as my gratitude to GMA for trusting me all these years.

"Sabi ko, 'Huwag po kayong mag-alala, dito lang ako,'" pangako ni Eugene.

Labing-apat na taon nang contract star ng GMA Network si Eugene.

Continue reading below ↓

"Masaya ako dito, wala naman akong matatayog na pangarap bilang artista.

"Naiintindihan nila yung desire ko bilang artista, yung passion ko, yung interest ko, 'tapos ginagawa sila.

"Yung puso ko, ang saya-saya dito sa Kapuso. I’m very okay here."

Malaking bahagi ng relasyon nina Eugene at Danilo ang Dear Uge dahil apat na taon na ang kanilang pagsasama.

At sa February 14, apat na taon na rin sa telebisyon ang programa ng multi-awarded actress.

Simula sa susunod na buwan, Dear Uge Presents na ang pamagat ng Sunday afternoon show ni Eugene sa GMA-7 at mga inspiring story ang ihahatid niya sa mga manonood.

Na-miss nang husto ni Eugene ang pag-arte kaya mapapanood sa bawat episode ng kanyang programa ang acting ability niya.

Masayang-masaya rin si Eugene dahil matutupad sa anniversary month ng Dear Uge Presents ang kanyang matagal nang pangarap mag-guest si Ai-Ai delas Alas sa show niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Danilo Bottoni "the one" for Eugene Domingo? The actress says, "Oo, napaluha ako at, hanggang ngayon, medyo sinasampal-sampal ko yung sarili ko. Saka tinitingnan ko siya, lalo na kapag nagluluto, pinagsisilbihan ako, 'tapos nakikinig sa mga daldal ko. Tinitingnan kong maigi..."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results