Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Melai Cantiveros says she will accept decision on ABS-CBN franchise renewal

by Jet Hitosis Interview FM Ganal
Jan 24, 2020
Melai Cantiveros on the possibility that the ABS-CBN's broadcasting franchise will not be renewed: “Kung ano talaga ang mangyayari, kung will man ni God na ano mangyari, tatanggapin natin.”
PHOTO/S: Noel Orsal, mrandmrsfrancisco on Instagram

Diretsahang sinabi ni Melai Cantiveros na bilang Kapamilya, importante para sa kanyang ma-renew ang broadcasting franchise ng ABS-CBN Corporation.

Nagbigay ng reaksiyon ang 31-year-old Magandang Buhay host tungkol sa nakabinbin pa ring panukala para sa pagkakaloob ng panibagong 25-year franchise sa ABS-CBN.

Kaugnay ito ng ilang ulit nang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng Kapamilya network.

Ito ay dahil sa hindi umano pag-eere ng bayad nang campaign ads niya noong 2016 presidential elections.

Sabi ni Melai, “For me talaga, dun ako nagtatrabaho sa aking mother network na ABS-CBN, importante talaga sa akin na ma-renew siya, kasi siyempre dun ako kumukuha ng pangkabuhayan ko araw-araw.

“Kumbaga sa mga normal na tao naman, yun naman din... kunwari pag malaman niyo na yung inyong pabrika ay magsasara na, nakakalungkot din.

“Kaya gusto ko talagang mag-renew.

“Pero siyempre, hindi natin maiiwasan yung mga issue.”

Kung ano man daw talaga ang maging kahinatnan ng franchise renewal ng broadcasting giant, sinabi ni Melai na “tatanggapin” niya ito.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Kung ano talaga ang mangyayari, kung will man ni God na ano mangyari, tatanggapin natin.

“Kasi ganun talaga ang buhay, e.”

MELAI APPEALS TO PRESIDENT DUTERTE

Kaugnay nito, sa salitang Bisaya ay nanawagan si Melai kay Pangulong Rodrigo Duterte na sana ay “bigyan ng chance” na ma-renew ang broadcasting franchise ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagpasalamat na rin ang TV host sa Presidente sakaling pakikinggan at pagbibigyan nito ang kanyang apela.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Melai sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong endorser ng Adobo Connection, sa SM North EDSA, nitong Martes, January 21.

MELAI SIGNS ONLINE PETITION

Isang araw bago nakausap ng press si Melai, o nitong January 20, kabilang ang TV host sa Kapamilya artists na lumagda sa online petition ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Change.org.

Ipinost ni Melai sa Instagram ang link sa online petition, na layuning makalikom ng isang milyong pirma na inaasahang hihimok sa mga miyembro ng Kamara upang aprubahan ang mga panukalang magkakaloob ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa kanyang post, hinikayat ng dating Pinoy Big Brother housemate ang kanyang 1.3 million Instagram followers na lagdaan din ang nasabing online petition.

Caption ni Melai: "Sign in na mga Kapamilya.”

Gaya ni Melai, lumagda rin sa online petition sina Lea Salonga, Anne Curtis, Vice Ganda, Karla Estrada, Ogie Alcasid, Marvin Agustin, at Ria Atayde.

Mahigit limang panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN ang nakahain ngayon sa 18th Congress.

Mapapaso ang prangkisa ng Kapamilya network sa March 30, 2020.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros on the possibility that the ABS-CBN's broadcasting franchise will not be renewed: “Kung ano talaga ang mangyayari, kung will man ni God na ano mangyari, tatanggapin natin.”
PHOTO/S: Noel Orsal, mrandmrsfrancisco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results