Xian Lim says marrying girlfriend Kim Chiu not yet on the table

by Arniel C. Serato
Jan 24, 2020
Xian Lim admits occasional misunderstandings with girlfriend Kim Chiu: "Yes, yes, dapat given na yun. Dapat tanggapin mo na mag-aaway kayo. But, it’s just accepting the differences that you guys have. Yun lang talaga.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @chinitaprincess on Instagram

Kahit low profile, masasabing matatag ang relasyon nina Xian Lim, 30, at Kim Chiu, 29.

Pahayag ng Kapamilya actor tungkol sa relasyon nila, “Okay naman po. Same-same. Same same pa rin, e.”

Taong 2018 inamin ni Kim ang relasyon nila ni Xian, pero hindi nila sinasabi kung ilang taon na ang itinatagal nito.

Pero sa tingin ng marami ay nasa tamang edad na sila upang magpakasal.

Napag-uusapan na ba nila ang pag-aasawa?

Tugon ni Xian, “Naku, wala pa po, bata pa po kami.

"We’re still so millennials, we’re still so young, you know."

Aminado naman si Xian na, kagaya ng ibang magkakarelasyon, nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaintindihan ni Kim.

“Definitely may away, definitely kasama yung away, and dapat tanggapin na...

"By the way, pangarap ko pong maging love doctor, at yun po yung course nung college—marriage and divorce.

“So, ang dami ko pong masasabi kung yun nga po.”

Dagdag pa ni Xian, "Yes, yes, dapat given na yun.

Continue reading below ↓

“Dapat tanggapin mo na mag-aaway kayo, but it’s just that accepting the differences that you guys have.

"Yun lang talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media at bloggers si Xian sa story conference ng pagbibidahan nitong period film, ang Sa Muli, sa boardroom ng Viva Films, Ortigas Center, Mandaluyong City, kagabi, January 23.

Kasama ni Xian sa storycon ang leading lady niyang si Ryza Cenon at ang kanilang direktor na si Fifth Solomon.

Continue reading below ↓

HOW TO KEEP THE RELATIONSHIP BURNING?

Kahit inamin ni Xian na may mga naging alitan sila ni Kim, wala namang nababalitaan ang publiko na may tensiyon sa relasyon nila.

Paano nila ito nagagawa?

Saad ni Xian, “Kung ako, kung huhugutin ko sa sarili ko, its really trust, e.

"Trust the way you communicate, and it takes two to tango, so parang dapat talaga open kayo sa isa’t isa.

“And you won’t let a day go by na malamig.

“You fix it right away kung kaya. Kung hindi, palamigin muna.”

Payo pa niya, kung may alitan ang magkarelasyon, dapat ayusin kaagad at hindi pinapatagal.

“Yes, definitely. Pero huwag naman tagalan nang sobra yun.

“Kung titingnan niyo nga yung last post ko [dun sa Instagram], nanawagan ako dun sa lahat ng tao, pumunta po ako sa Luneta, may mga signage na, 'Pinabayaan, ayan tuloy, lumamig.'

"Dapat huwag pabayaan. Dapat ayusin kung anuman ang dapat ayusin from the start."

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim admits occasional misunderstandings with girlfriend Kim Chiu: "Yes, yes, dapat given na yun. Dapat tanggapin mo na mag-aaway kayo. But, it’s just accepting the differences that you guys have. Yun lang talaga.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results