Xian Lim, Ryza Cenon comment on ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Jan 24, 2020
Viva talents and Kapamilya stars Xian Lim and Ryza Cenon hope that the Congress would grant another legislative franchise to ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal

Halos dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago mapaso ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN sa March 30, 2020.

Kaya naman hindi maiwasan sa ilang Kapamilya stars ang mag-alala dahil nakabinbin pa rin ang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong mabigyan muli ng prangkisa ang istasyon.

Kahit Viva talents na, identified pa rin bilang Kapamilya sina Xian Lim at Ryza Cenon dahil sa ABS-CBN sila napapanood.

Si Xian ay lead actor sa upcoming afternoon drama series na Love Thy Woman, na magsisimula sa February 10.

Si Ryza naman ay huling napanood sa primetime series na The General's Daughter noong 2019.

Sa story conference ng pagtatambalan nilang pelikulang Sa Muli, na ginanap nitong Huwebes ng gabi, January 23, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media sina Xian at Ryza tungkol sa wala pa ring kasiguraduhang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sabi ni Xian, “A, kaya na po nila yun.

Continue reading below ↓

“Di ko po alam kung ano ang mangyayari, e. Hindi ako updated sa nangyayari.”

Sa ngayon daw, patuloy lamang siyang magtatrabaho.

“Basta po ako, nagtatrabaho.

“Kung ano po yun, wala sa control namin... let it be.

“Let it be. Just take it one day at a time.”

Sa panig naman ni Ryza, inaalala niya ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera.

Kaya umaasa siyang ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

“Ako naman po, siyempre pinagdadasal namin lahat na sana ma-renew siya.

“Ang mas maaapektuhan kasi ay yung mas maliliit na nagtatrabaho sa ABS.

“Kasi, may mga family rin sila, na doon sila nakasandal doon sa trabaho nila na yun.

“Kasi kami, puwede kami magpelikula, puwede kami magganyan.

"So, yung mga nagtatrabaho dun, yung ang pinaka-main concern namin.

“Kaya talagang ipinagdadasal namin lahat na sana ma-renew.”

CONGRESS TO TACKLE FRANCHISE BILLS IN FEBRUARY

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, nangako sa kanya si Chairman Franz “Chicoy” Alvarez ng Committee on Legislative Franchises na tatalakayin na ng komite nito ang may 50 franchise bills na nakahain sa unang buwan ng Pebrero.

Continue reading below ↓

Magiging patas din daw ang Kongreso sa pagtalakay ng franchise renewal bills para sa ABS-CBN.

Patuloy naman ang pang-eengganyo ng ilang Kapamilya stars—kabilang sina Anne Curtis, Lea Salonga, at Vice Gandasa netizens na pumirma sa online petition ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) upang hikayatin ang Kongreso na bigyan muli ng prangkisa ang TV and radio giant.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viva talents and Kapamilya stars Xian Lim and Ryza Cenon hope that the Congress would grant another legislative franchise to ABS-CBN.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results