Ryza Cenon still mum on reason for breakup with Cholo Barretto; explains "self-love" advocacy

by Arniel C. Serato
Jan 24, 2020
Ryza Cenon on being single: "Ganun naman na, minsan, hindi nagba-balance lahat. Minsan successful ka sa work mo, and then sa love life mo, wala masyado."
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang taon nang single ngayon ang Kapamilya actress na si Ryza Cenon matapos silang maghiwalay ng boyfriend na si Cholo Barretto noong 2019.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Ryza tungkol sa dahilan ng kanilang breakup.

Nakangiting pahayag niya, “E, wala, e.

“Hindi ko naman po nilabas ever, kasi sa amin na lang po yun kung ano po yung naging problema namin.”

Tiniyak naman ng dalaga na hindi bad breakup ang kanilang pinagdaanan.

Sabi niya, “Hindi naman bad. Hindi naman.

“Okay na ako, one year na.”

Okay lang ba sa kanyang single siya ngayon?

Sagot ni Ryza, “Okay lang naman. Pero okay lang talaga.

“Ganun naman na, minsan, hindi nagba-balance lahat.

"Minsan successful ka sa work mo, and then sa love life mo wala masyado."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza pagkatapos ng story conference ng bago nilang pagsasamahang pelikula ni Xian Lim, ang Sa Muli.

Continue reading below ↓

Ginanap ang storycon sa boardroom ng Viva Films, Ortigas Center, Mandaluyong City, Huwebes ng gabi, January 23.

SELF-LOVE

Sa ngayon, mas okay kay Ryza ang pagsusulong ng adbokasiyang “self-love.”

Ano ba ang pakahulugan ng "self-love" para sa kanya?

Paliwanag ng 32-year-old actress: “A, for me kasi, gusto ko ma-inspire ang mga tao, like, hindi lang yung mga single kundi yung mga tao, especially yung mga moms, na nawawalan na sila ng time para sa sarili nila dahil sa kaaalaga nila sa mga anak, sa asawa niya.

“So, parang yung self-love, bigyan mo ng time yung sarili mo na. Ikaw naman, yung sarili mo naman ang isipin mo.

“Kahit simpleng labas ka lang, pa-spa ka, ganyan, sign na yun ng self-love.

“Sa mga single naman, kailangan mahalin mo muna yung sarili mo bago ka pumasok ulit sa bagong relasyon.

"Kasi, ang hirap ng bigay ka lang nang bigay na wala ka namang natatanggap, minsan kasi nabigay mo na lahat.”

Continue reading below ↓

SLOWLY BUT SURELY

Dahan-dahan lang ang takbo ng career ni Ryza—at mas gusto raw ito ng aktres.

“Yes, yun naman lagi ang gusto ko, e.

“Ayaw ko naman yung biglang," sabi niya, habang nakamuwestra ang kamay na pumapaimbulog.

"Gusto ko talaga yung dahan-dahan lang.

"Kasi kapag dahan-dahan, mas matatag yung stay mo sa showbiz.”

Goal ba niya ang ganito?

Tugon ni Ryza, “Kasi kailangan mahaba talaga pasensiya mo, e.

“Kumbaga, sa tamang oras, kung kailan ka talaga magsa-shine or yung break mo talaga makukuha mo, e.

“Yun naman talaga ang ano ko na di kailangan magmadali.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on being single: "Ganun naman na, minsan, hindi nagba-balance lahat. Minsan successful ka sa work mo, and then sa love life mo, wala masyado."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results