Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup

by Rachelle Siazon
Jan 24, 2020
Issa Pressman (left) on being dragged into the breakup of JaDine (right): "But to end it here & now, everything is 100% FALSE"
PHOTO/S: @pressmanissa / @nadine Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, binasag ni Issa Pressman ang pananahimik sa alegasyong siya ang dahilan ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay makalipas ang tatlong araw mula nang mag-trend sa Twitter ang pangalan nilang tatlo dahil sa isyu.

Kumalat noon sa social media ang videos ng isang party sa Boracay na dinaluhan ng grupo nina James, Nadine, at Issa.

Diumano, makikita raw doon na lihim na nagho-holding hands sina James at Issa, kapag hindi nakaharap si Nadine.

May ilan ding netizens ang nagpakalat ng espekulasyon ng iba pa umanong lambingan sa pagitan nina James at Issa habang nasa party.

Ngunit kung susuriin, hindi malinaw ang kumalat na videos para masabing naglalambingan nga ang dalawa.

Halos hindi rin maaninag kung sinu-sino ang mga nasa video, na ang kuha ay nakatalikod ang mga taong nagsasayawan sa harap ng nagpapatugtog na disc jockey.

ISSA ON "FALSE" ACCUSATION AGAINST HER

Nais ni Issa tuldukan na ang isyu.

Continue reading below ↓

Napagtanto raw niyang mabuting direktang manggaling sa kanya na wala siyang kinalaman sa akusasyong ibinabato sa kanya.

Pahayag ni Issa sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, January 24 (published as is):

"If I stay silent, i’m 'guilty'. If I stand up for myself, i’m 'defensive'.

"The world judges either way.

"But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick"

Giit pa niya: "Soooooooooo, let’s all move on."

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Issa ang mga pangalan nina James at Nadine sa kanyang post.

Hindi rin niya tuwirang tinukoy ang isyung hiwalayan ng well-known celebrity couple at ang isyung siya ang itinuturong third party.

Pero hindi kaila sa publiko na nadadawit si Issa sa kontrobersiya.

YASSI, NADINE, JAMES STATEMENTS

Lalo pa't ang nakatatandang kapatid ni Issa na si Yassi Pressman, na sikat ngayon bilang leading lady sa FPJ's Ang Probinsiyano, ay una nang umalma tungkol dito noong January 22.

Pinatunayan ni Yassi na magkasama sila ni Nadine na nakabasa ng masasakit na salitang ibinibintang kay Issa.

Sabi pa noon ni Yassi, "We're all okay. Sana po kayo din. Let's respect everyone."

Sinegundahan naman iyon ni Nadine, na inihayag ang pagmamahal para kina Yassi at Issa, na parehong malapit sa kanya.

Pati si James ay humingi na rin ng dispensa sa pagkakadawit nina Issa at Yassi sa isyu.

Unang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 1, 2020 ang tungkol sa hiwalayan nina James at Nadine dahil sa "irreconcilable differences."

Continue reading below ↓

Sa isang joint statement sa Tonight With Boy Abunda noong January 20, kinumpirma nina James at Nadine na hiwalay na sila.

Naniniwala raw silang ito ang makabubuti hindi lang para sa kanilang career, kunsaan tanggap sila ng publiko bilang JaDine, kundi mas lalo na sa kanilang "personal growth."

HOT STORIES
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Issa Pressman (left) on being dragged into the breakup of JaDine (right): "But to end it here & now, everything is 100% FALSE"
PHOTO/S: @pressmanissa / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results