Dina Bonnevie reveals Vilma Santos is convincing her to enter politics

by Bernie V. Franco
Jan 24, 2020
Dina Bonnevie (left) on being convinced by Lipa City Representative Vilma Santos-Recto to give politics a chance: “Ate Vilma tells me, ‘Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan. Ako nga, e, artista. Ngayon nakatawid ako. I became a politician.’"
PHOTO/S: Noel Orsal / @rosavilmasantosrecto on Instagram

Walang intensiyon ang aktres na si Dina Bonnevie na pasukin ang pulitika, kahit marami ang nagkukumbinsi sa kanyang pumalaot dito.

Pero sa isang banda, masasabi niyang “pulitiko” rin siya dahil sa kanyang mga adbokasiya para matulungan ang mga kababayan sa Ilocos Sur.

Bilang asawa ni Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor “DV” Savellano, may mga programa si Dina para sa mga residente ng kanilang lugar.

Saad niya, “Hindi ko dream na maging politician...

"I can’t say it’s not my world, kasi it’s already my world, whether I like it or not. Kasi I’m married to a politician.

"You have to talk to constituents, you have to give them projects, you have to give them kinabuhayan.”

Kabilang sa mga programa ni Dina ay ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga taga-Ilocos na nasa weaving industry, bagnet at longganisa industry, at fabric industry.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Dina sa press conference ng upcoming Kapuso teleseryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, noong January 21, Martes.

Continue reading below ↓

VILMA SANTOS IS CONVINCING DINA

Isa raw sa mga humihikayat kay Dina na pasukin ang pulitika ay si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto, na kasamahan ng mister ni Dina sa Kongreso.

“Ate Vilma tells me, ‘Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan. Ako nga, e, artista. Ngayon nakatawid ako. I became a politician.’

“Sinasabi niya, ‘O, next time, ikaw naman dito, a.'

“Kasi congresswoman siya, so I see her sa Congress. ‘O, ikaw na next time. Classmate na tayo.”

Diin ni Dina, “Hindi natin masabi kung ano ang plano ng Panginoon, but if you’ll ask me, huwag na lang.

“Okay na yung isa na lang,” pagtukoy ni Dina sa kanyang mister.

“Marami talagang naghihikayat, ‘Ikaw na. Ikaw na pag tapos na si DV.’

“Bahala na si God.

“Sa totoo lang, hindi ko pa nai-imagine ang sarili ko na, ‘Iboto niyo ako.’

“Ako, parang kingmaker lang ako, nasa likod lang ako.

"Pero ibang-iba ang mundo namin, e."

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Dina ang ilang aspeto sa pulitika na ayaw niya.

“Magulo kasi ang politics, e, kaya ako natatakot, especially in our town, magulo…

“Sabihin na natin, sana… kung ako ang masusunod, sana lahat ng taong ibinoboto sa posisyon ay dahil sa mga mabuting nagawa niya, dahil sa mabuting serbisyo niya, dahil sa mabuting pamamalakad, dahil sa mabuting pakikisama, o pagtutulong sa kapwa.

“Pero hindi. Dahil sa pera.

“Pero aminin na natin, maraming nanalo dahil sa pera,” paliwanag ni Dina.

Hindi naman daw tuluyang isinasara ni Dina ang pinto niya sa pulitika, lalo pa’t kung ito talaga ang plano para sa kanya ng Panginoon.

“I just go with whatever His plans for me.

“Ngayon na naging Christian ako, I learned to lean on God.

“Parang, ‘God, use me how You want to use me.’

"Parang, 'Isinilang Mo ako sa mundo for a purpose. Let me serve that purpose.'"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie (left) on being convinced by Lipa City Representative Vilma Santos-Recto to give politics a chance: “Ate Vilma tells me, ‘Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan. Ako nga, e, artista. Ngayon nakatawid ako. I became a politician.’"
PHOTO/S: Noel Orsal / @rosavilmasantosrecto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results