Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Marcelito Pomoy says worst time in his life was when he saw himself as a has-been

by Jerry Olea
Jan 24, 2020
Marcelito Pomoy on dream of becoming an international singer: “Actually, maliit lang naman ang pangarap ko, e. Na makarating lang ako sa ibang bansa. Hindi ko naman akalain na makapag-perform at makilala ako. Hindi ko hinangad na maging sobrang sikat pa. Tama na ako sa ganito.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Mula sa pagiging palaboy at construction worker, nagbago ang takbo ng buhay ni Marcelito Pomoy nang magwagi siya sa Pilipinas Got Talent, second season, noong 2011.

Pero sa paglipas ng panahon at pagdating ng mga bagong mang-aawit, naramdaman niyang palaos na siya.

“Noon pong 2015, parang... depressed na po ako. Umiiyak po talaga ako,” pag-amin ni Marcelito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakapanayan siya ng PEP.ph sa thanksgiving party ng Macbeth nitong Enero 23, Huwebes ng gabi, sa Elements, Centris, Quezon City.

“Hindi naman po ako laging umiinom. Umiinom ako, pero bihira lang. Iyong parang pampawala ng problema.

“Marami na po kasing bagong singer noon. Every year po, maraming pumapalit.

“Kaya parang... iyong mundo mo, gumuho na.”

Gusto na sana niyang tumigil sa pag-awit at asikasuhin na lang ang dalawang hardware store na naipundar niya.

Ngunit noong Pebrero 2019, nakatanggap ang asawa niyang si Joan ng tawag mula sa mga taga-America’s Got Talent (AGT). Baka gusto raw mag-audition ni Marcelito.

Continue reading below ↓

“Actually, noon pong una na kinuha nila ako sa America’s Got Talent, iyon lang ordinary, hindi po iyong Champions edition,” paglilinaw ng Kapamilya singer.

“Kinuha nila ako, sabi ko, ‘Ayaw kong sumali.’

"Kasi, sabi kong ganoon, ‘Kung natalo ako, ano iyong pangalan ko dito sa Pilipinas?’

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Champion ako, 'tapos tatalunin na parang ordinary lang?

“Dun dumating yung sabi nila, ‘Sige, doon ka sa Champions edition. Nanalo ka naman pala sa Pilipinas.’

“So, iyong mga nanalo sa ibang lugar, naglaban-laban noong October, at isa ako sa Pilipinas na nakuha.”

Siyempre, hindi na kailangang mag-audition si Marcelito sa Champions edition.

Alam ng AGT staff ang gimik ni Marcelito sa pagkanta, pero hindi alam ng mga hurado.

“Off cam po, kinausap po ako ni Howie [Mandel]. Sabi niya, ‘Napakagaling mo. You’re the best singer.’

“Hindi niya alam kung anong meron daw sa loob niya, yung katawan ko. Ha! Ha! Ha! Ha! Ganoon po.

Continue reading below ↓

“Si Simon [Cowell], hindi ko po nakausap off cam.

"Medyo ano si Simon, strict siya. Istrikto siya,” matamang pakli ni Marcelito.

AMERICA'S GOT TALENT SEMIFINAL ROUND

Last week ng January ang balik ni Marcelito sa U.S. First o second week of February ang salang niya sa semifinal round, kung saan dalawampu (20) ang magkakalaban. Sampu ang maliligwak doon.

Pinapraktis na ni Marcelito ang kanta kung saan magboboses-babae at boses-lalaki pa rin siya. Bawal sabihin kung anong kanta iyon.

“Sobrang... parang bumalik uli ako sa dati, sa umpisa!” natatawang sambit ni Marcelito.

“Kumbaga, mas malala ito kaysa sa unang sinalihan ko na Pilipinas Got Talent. Kasi, international po iyan.

“E, ang mga kalaban ko po, hindi basta-basta. Lahat po, nanalo iyon.

"Lahat po, nag-champion din iyon. Kaya Champions edition po ang laban.”

Ano ang pakiramdam niya na pinag-uusapan siya maging sa ibang bansa?

“Hindi nga rin po ako makapaniwala sa sarili ko.

Continue reading below ↓

"Kasi, nangyari na iyan sa akin before, sa Pilipinas lang,” masayang kuwento ni Marcelito.

“Pero ito kasi, all over the world na kasi.

"Kumbaga, nagulat ako nang sabihan, ‘Trending ka na!’ ‘Ha?’ ‘Oo! Kasi, pinag-uusapan ka!’

“Sa ratings kasi ng America’s Got Talent, saka iyong mga kasamahan kong dating performer, ako iyong pinakamataas talaga.

“Siguro, marami ring mga Pilipino sa U.S., ganoon. So, sobrang blessed po talaga ako.”

NO HURT FEELINGS

Walang hinanakit si Marcelito kahit may panahon na binebalewala na lang siya ng mga tao.

Na kailangang mapansin muna siya sa ibang bansa bago muling mahalin ng mga kababayan.

“Sa akin kasi, parang... parang siguro... Pasalamat na lang siguro ako sa asawa ko.

"Kasi, siya ang gumawa ng way, e,” napangiting saad ni Marcelito.

“Ako, nawalan ako ng pag-asa, siya ang talagang nagtayo sa akin, ‘Kaya mo pa ‘yan! May boses ka pa. Ako ang gagawa ng paraan.’

“Kaya siya iyong gumawa talaga ng paraan.

Continue reading below ↓

“Pasalamat pa rin po ako sa ABS-CBN, kasi siyempre, doon po ako nanggaling, e.

“Pasalamat ako sa ABS-CBN, kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi ako nakilalala.”

Ano ang pinakamataas niyang pangarap? Inaasam ba niyang maging international singer?

“Actually, maliit lang naman ang pangarap ko, e,” pagpapakumbaba ni Marcelito.

“Na makarating lang ako sa ibang bansa. Hindi ko naman akalain na makapag-perform at makilala ako.

“Hindi ko hinangad na maging sobrang sikat pa. Tama na ako sa ganito.”

Sinong international singer ang pinapangarap niyang maka-duet?

“Si Celine Dion talaga!” mabilis na tugon ni Marcelito.

“Nagkita na kami, actually, ni Celine Dion. Kaya lang, late na siya sa performance niya. Sa Caesar’s Palace.”

If ever, wish ni Marcelito na magsalo sila ni Celine sa pag-awit ng "Beauty and the Beast."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marcelito Pomoy on dream of becoming an international singer: “Actually, maliit lang naman ang pangarap ko, e. Na makarating lang ako sa ibang bansa. Hindi ko naman akalain na makapag-perform at makilala ako. Hindi ko hinangad na maging sobrang sikat pa. Tama na ako sa ganito.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results