Kim Chiu teary-eyed to recall competing for father's attention with his many families

by Jet Hitosis
Jan 25, 2020
Kim Chiu recalls childhood without the constant presence of her father, William Chiu Jr.: “Lagi akong nagwa-wonder nasaan yung Papa ko, lagi siyang nawawala... Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure. Pero pag may special event, nandyan siya.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Ibinunyag ni Kim Chiu na marami siyang kapatid sa iba’t ibang asawa ng kanyang ama.

Sinabi rin niyang tanggap na niya ito.

Ayon sa 29-anyos na Kapamilya actress, sila ang unang pamilya ng kanyang amang si William Chiu Jr., pero lumaki siya na walang "father figure."

“In real life, I am the first family,” kuwento ni Kim tungkol sa kinalakihan niyang pamilya.

“My dad also has a lot of wives—one, two, three, four, five, mga ganun,” pag-amin ng aktres, “pero kami yung una.”

Sa kabila nito, nilinaw ni Kim na naging responsable ang kanyang ama sa lahat ng naging pamilya nito.

Kuwento ng aktres, kinamulatan na niyang hinahati-hati ng ama ang panahon nito sa kanilang lahat.

THE ABSENCE OF A “FATHER FIGURE”

Dahil sa kumplikadong sitwasyon ng kanyang pamilya, aminado si Kim na lumaki siya na laging wala ang amang si William.

“Lagi akong nagwa-wonder nasaan yung Papa ko, lagi siyang nawawala.

Continue reading below ↓

“Pag may special event… ang dami kasi niyang pinupuntahan.

“Hindi kasi siya bahay, city siya. So, nililipad niya talaga yun,” pangiting kuwento ni Kim.

“Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure,” dagdag niya.

“Pero, pag may special event, nandyan siya.”

Inihalimbawa ni Kim ang panahong tatanggap siya ng honors sa elementary, at hindi niya alam kung sino ang makakasama sa stage sa pagtanggap ng award.

Kuwento ni Kim, “Sinong pupunta, sinong aakyat?

“Tapos magugulat na lang ako, ‘A, si Papa pala.’ Dumating pala siya.”

HER PAPA’S PRESENCE WAS KIM’S MOTIVATION

Sinabi ni Kim na ang pagsisikap ng ama na makadalo sa mahahalagang okasyon sa buhay niya—lalo na kapag mayroon siyang award sa eskuwelahan—ang nagsilbing inspirasyon para paghusayan niya ang pag-aaral.

Biglaang napaiyak si Kim nang banggitin ang tungkol dito.

“So yun yung naging motivation ko na mag-aral akong mabuti, para every time meron akong award, pupunta siya,” ani Kim, na napaluha sa kalagitnaan ng pagkukuwento.

Continue reading below ↓

KIM RELATES WELL WITH ROLE IN NEW TELESERYE

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Kim sa grand presscon ng bago niyang teleserye, ang Love Thy Woman, ngayong Biyernes, January 24, sa ABS-CBN.

Kasama rin sa cast ng serye ang boyfriend niyang si Xian Lim, at sina Yam Concepcion, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez, at Christopher de Leon.

Sa serye, gaganap si Kim na anak sa second family ng isang bilyonaryong Chinese, na gagampanan ni Christopher.

“So it’s kinda challenging for me to play the second family, kasi sila yung parang hindi masyadong pinapansin,” ani Kim.

Kaagad namang kumambyo si Kim, at sinabing maayos ang trato ng kanyang ama sa ibang mga pamilya nito.

“Pero pinapansin sila ng Papa ko. Fair din kasi yung papa ko. Para siyang si Adam Wong (karakter ni Christopher)."

REALIZATIONS WHILE TAPING FOR LOVE THY WOMAN

Ayon pa kay Kim, habang nagte-taping siya ng mga eksena para sa Love Thy Woman, mas nauunawaan niya ang sitwasyon ng kanyang half siblings.

Continue reading below ↓

“Kaya nga pag tinitingnan ko, pag nag-aarte kami, sabi ko, ‘Shucks, kawawa rin pala yung mga anak ng Papa ko, noh?’

“Kasi pag first family, parang ikaw yung pinakamatapang.

“Now I understand what are they feeling, yung mga kapatid ko sa labas.”

Ayon kay Kim, tipikal na sa mga pamilyang Filipino-Chinese ang kanyang sitwasyon.

“Marami kami. Mapagmahal lang yung Papa ko,” natatawang paliwanag ng aktres.

“And it really happens talaga, and accepted siya ng lahat ng wife, pero hindi ipinapakita.

“Pero in this teleserye, you can see what really happens inside a modern Chinese family,” sabi pa ni Kim.

FATHER AND DAUGHTER'S RECONCILIATION

May 2013 nang mapaulat ang muling pakikipagkasundo ni Kim sa amang si William, matapos silang hindi mag-usap sa loob ng limang taon, dahil sa hindi naidetalyeng samaan ng loob.

Muling nag-usap ang mag-ama dahil sa pagkakasakit ng ina ni Kim na si Louella Yap Chiu.

Bata pa lang si Kim nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng June 23, 2013, pumanaw si Louella, 50, dahil sa brain aneurysm.

Nang taon ding iyon, nakilala ni Kim ang iba pa niyang mga kapatid sa ama.

Sa 60th birthday celebration ni William noong January 2019, ipinost ni Kim ang litrato nilang magkakapatid.

Kasama rito ang ama at ang lahat ng kanyang half siblings.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu recalls childhood without the constant presence of her father, William Chiu Jr.: “Lagi akong nagwa-wonder nasaan yung Papa ko, lagi siyang nawawala... Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure. Pero pag may special event, nandyan siya.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results