Ejay Falcon chooses school over politics: "Iyon na lang po ang kulang sa akin"

by Gorgy Rula
Jan 26, 2020
Ejay Falcon admits he has been asked to enter politics in his hometown in Pola, Oriental Mindoro. But his priority is to finish college.
PHOTO/S: @ejaythefalcon on Instagram

Masayang ikinuwento ni Ejay Falcon sa radio program namin sa DZRH kagabi, January 24, ang pagpunta niya ng Batangas kahapon ng umaga, January 25, para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

Nagamit na raw niya ang pagiging reservist niya sa Philippine Air Force, na kasama niyang nagdala ng tulong sa mga nasalanta sa Batangas.

“Nagbigay po kami ng donation at tulong na rin, kasama ko yung mga kasama ko sa Air Force. Kahit papano, siguro nakapagpasaya naman kami dun, nakita kami ng mga kababayan namin dun,” pakli ni Ejay.

Ngayon pa lang daw niya na-experience ang magdala ng tulong bilang isang reservist sa Philippine Air Force. Pero matagal na siyang nagbibigay ng tulong at regalo tuwing Pasko sa mga kababayan niya sa Pola, Oriental Mindoro.

Nitong nakaraang December 26 hanggang 31 ay umuwi siya sa Bakawan sa Pola, Oriental Mindoro para magbigay ng regalo, magpaliga kasama ang mga dati niyang kaibigan at classmates, at magbigay-saya sa mga senior citizens.

Continue reading below ↓

Sampung taon na itong ginagawa ni Ejay.

EJAY ON POLITICS

May ilang pulitiko nga roon na kinukumbinse na siyang pasukin ang pulitika, pero wala raw talaga sa plano niya iyon.

“Hindi po talaga, e,” mabilis na sagot ni Ejay nang tinanong namin tungkol sa posibleng pagpasok sa pulitika.

“Nakakatuwa lang po na nagsi-share ka ng blessings sa mga dati mong kaibigan, mga kalaro nung bata ka, kababayan mo, lalo na ngayong magkakasunod na naapektuhan ang kabuhayan nila roon dahil sa mga bagyong nangyari.

“Tulong lang po talaga. Iyan lang po talaga sa buhay natin, hindi lahat ng tulong ay may kapalit, e. Hindi ko po talaga naiisip iyan.

"Sa trabaho ko na lang po sa showbiz ako mag-focus."

EJAY HOPES TO PURSUE COLLEGE

Imbes na pumasok sa pulitika, mas priority raw ni Ejay na pumasok sa kolehiyo.

"Hangga’t hindi pa po ako nakapagtapos ng pag-aaral, ayoko pong pasukin ang isang bagay na wala naman po akong magagawa,” pahayag ng bida ng ABS-CBN series na Sandugo.

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, pinag-iisipan na rin ni Ejay na ituloy ang pag-aaral dahil dalawang kapatid na lang niya ang pinapaaral sa ngayon. Napagtapos na niya ang dalawa niyang kapatid at ang natira na lang daw ay ang nag-aaral ng Tourism at bunso na nasa high school.

Pinag-iisipan na raw niya ngayon na pagkatapos ng Sandugo, ay aasikasuhin niya ang bumalik sa college.

“Iyon po ang kasama sa plano ko, e. Iyon na lang po ang kulang sa akin, e.

“Halos naman puro magaganda ang nangyari sa akin, kasi iyun na lang po ang kulang sa pagkatao ko, e.

“Gusto ko po sana siyang ituloy, Siguro ayusin ko muna ang schedule pagkatapos ng Sandugo. Gusto ko pong subukan na matuloy ang pag-aaral,” sabi niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon admits he has been asked to enter politics in his hometown in Pola, Oriental Mindoro. But his priority is to finish college.
PHOTO/S: @ejaythefalcon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results