James Reid, Nadine Lustre spotted together at a pub in Makati

by Bernie V. Franco
Jan 26, 2020
Less that a week since they confirmed their breakup, Nadine Lustre and James Reid are spotted (R) together at a pub in Barangay Poblacion, Makati City, this weekend.
PHOTO/S: @nadine / Photo from Instagram

Naglalabasan ngayon sa social media ang stolen shots at videos nina James Reid at Nadine Lustre na magkasama sa isang pub sa Makati.

Base sa mga posts ng netizens, nakitang magkasama ang dalawa sa Alamat Filipino Pub & Deli sa Barangay Poblacion, Makati City, Sabado ng gabi, January 25.

Wala pang isang linggo nang kumpirmahin ng dating magkasintahan ang kanilang paghihiwalay sa isang joint statement ini-release nila noong January 20, Lunes.

JADINE: "ABOUT LAST NIGHT"

Sa isang video na kumakalat ngayon, makikitang nasa mataong lugar si Nadine, na nakasuot ng itim na tank top at naka-pony tail.

Biglang susulpot sa video si James na nakaitim na T-shirt din at naka-cowboy hat.

Mapapanood na pareho nilang binati ang mga kakilala, pero hindi tiyak kung magkasabay na dumating ang dalawa.

Continue reading below ↓

Maoobserbahan rin sa video na nung nakalapit si James kay Nadine ay ibinaling ng dalaga ang atensiyon nito sa mga tao.

May ilang mapagmatyag na netizens na nakapansing tila umiwas raw si Nadine kay James base sa video, pero meron ding nagsabing hindi nila iniwasan ang isa't isa.

Komento naman ng iba, huwag bigyang-kulay ang bawat galaw ng dalawa.

Narito ang ilan sa comments ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa isa namang kuha ay makikitang magkaharap sila at tila nag-uusap.

Sa isa pang video, makikita na sumasayaw si James at nasa harap niya si Nadine.

Continue reading below ↓

Sa isang stolen shot, makikitang naroon din ang anak ni Gary Valenciano, si Kiana Valenciano, na kaibigan nina James at Nadine.

JAMES AND NADINE CONFIRM BREAKUP

Noong January 20, Lunes, kinumpirma ng JaDine ang halos tatlong linggong usap-usapan na breakup nila.

Lumabas ang kanilang joint statement sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Continue reading below ↓

Unang napabalita ang paghihiwalay ng showbiz couple noong Bagong Taon, January 1, 2020, sa Cabinet Files column dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Binanggit din sa PEP.ph na “irreconcilable differences” ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Less that a week since they confirmed their breakup, Nadine Lustre and James Reid are spotted (R) together at a pub in Barangay Poblacion, Makati City, this weekend.
PHOTO/S: @nadine / Photo from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results