Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Lovi Poe mourn death of Kobe Bryant

by Rachelle Siazon
Jan 27, 2020
Anne Curtis, Bianca Gonzalez, and Lovi Poe are among Pinoy celebrities mourning the death of NBA basketball legend Kobe Bryant. Kobe died in a helicopter crash on Sunday morning, January 26 (U.S. time).
PHOTO/S: @kobebryant / @annecurtissmith / @lovipoe / @iamsuperbianca Instagram

Bumuhos ang pakikiramay ng netizens, kabilang ang ilang showbiz personalities, sa balitang pumanaw na ang NBA basketball legend na si Kobe Bryant, 41.

Nasawi si Kobe sa isang helicopter crash sa Calabasas, California, Linggo ng umaga, January 26 (U.S. time).

Kasamang nasawi ni Kobe ang kanyang 13-year-old daughter si Gianna at pitong iba pa.

Nanguna sina Anne Curtis, Bianca Gonzalez, at Gretchen Ho sa Pinoy celebrities na nalungkot sa balitang bumungad sa kanila ngayong Lunes ng umaga, January 27 (Philippine time).

ANNE CURTIS

Tweet ni Anne: "Such sad news to wake up to... to hear about the passing of one of the most celebrated basketball players of all time, Kobe Bryant and his daughter Gianna.. and everyone who was on that chopper ride.... May they all Rest In Peace."


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

BIANCA GONZALEZ

Sunud-sunod naman ang tweets ni Bianca ng broken-hearted emojis kalakip ng ibang updates tungkol sa pagpanaw ni Kobe, na kanya raw iniidolo.


Ani Bianca, "I've never played basketball and yet your impact on my life has been immeasurable, @kobebryant LEGENDS NEVER DIE. #MambaForever."

Ibinahagi rin ni Bianca ang isang litrato nila ni Kobe na kuha sa Araneta Coliseum nang bumisita ang NBA superstar sa Manila noong July 2011.

Continue reading below ↓

Malungkot din si Bianca para sa naulilang asawa ni Kobe na si Vanessa Bryant at tatlo pang anak ng couple.

"I cannot even begin to imagine the pain that Vanessa, as a wife and mother, must be feeling right now.

"Sincerest condolences to the loved ones of everyone in that helicopter."

Continue reading below ↓


LOVI POE

Kalakip ng crying at praying emojis, nagbahagi rin ng pakikisimpatiya ang Kapuso actress na si Lovi Poe.

"A prayer for every soul part of the helicopter crash. Prayers for the loved ones grieving."


Continue reading below ↓

GRETCHEN HO

Ang ABS-CBN TV host/reporter na si Gretchen Ho ay lubos ding ikinalungkot ang pagpanaw ni Kobe.

Ibinahagi niya ang throwback photo ng mag-amang Kobe at Gianna na parehong nasawi sa helicopter crash.

Nitong dalaga na si Gianna ay palagi itong sumasama kay Kobe na nanonood ng basketball games na sadyang interes nito.

"I. Just. Can’t," tweet ni Gretchen na may heartbroken emoji.


Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Gretchen, "Kobe Bryant. I cannot believe it. Stunned to wake up to this news."


KIEFER RAVENA

Ang PBA player na si Kiefer Ravena ay napaisip kung gaano kaiksi ang buhay sa pagpanaw ng iniidolong si Kobe.

"Lost for words. No the news i wanted to hear when i woke up.

Continue reading below ↓

"Life’s short man. Appreciate everybody around you to the fullest! Do not take anything for granted.

"You were one of the reasons i played the sport, Kobe. You are the reason why i want to be great."


DAVID LICAUCO

Sabi naman ng Kapuso actor na si David Licauco: "The best ever. Thank you so much for being an inspiration. :("

Continue reading below ↓

BAILEY MAY

Ang ex-Pinoy Big Brother:737 housemate na si Bailey May ay may mensahe rin ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Kobe.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis, Bianca Gonzalez, and Lovi Poe are among Pinoy celebrities mourning the death of NBA basketball legend Kobe Bryant. Kobe died in a helicopter crash on Sunday morning, January 26 (U.S. time).
PHOTO/S: @kobebryant / @annecurtissmith / @lovipoe / @iamsuperbianca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results