Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Megan Young reveals date of first wedding with Mikael Daez

by Rachelle Siazon
Jan 27, 2020
Megan Young on first wedding with Mikael Daez in Batangas: "Fofo and I ended up crying during the whole ceremony so please excuse our red noses."
PHOTO/S: @mymetrophoto via @meganbata Instaram

Isiniwalat ni Megan Young kasal na sila ni Mikael Daez bago pa man naganap ang pag-iisang dibdib nila sa Subic noong Sabado, January 25, 2020.

Si Megan, 29, ay kilala bilang Kapuso actress at Miss World 2013 titlist, habang si Mikael, 32, ay isa ring aktor mula sa GMA Network.

Ayon kay Megan, una silang ikinasal ni Mikael noong January 10, 2020 sa Calaruega Church sa Nasugbu, Batangas.

Sampu lang ang imbitado sa intimate church wedding nilang iyon, at kabilang dito ang nakababatang kapatid ni Megan na si Lauren Young.

Sa kanyang Instagram post kagabi, January 26, ipinakita ni Megan ang ilang litrato na kuha mula sa kasal nila ni Mikael sa Calaruega.

Mensahe ni Megan a caption: "January 10, 2020 was the day we officially sealed the deal [hearts emoji] we had an intimate ceremony at Caleruega attended by 10 loved ones.

"Fofo and I ended up crying during the whole ceremony so please excuse our red noses."

Continue reading below ↓

Noong January 9, 2020 ang ninth anniversary nina Megan at Mikael bilang magkasintahan.

SECRET ROMANCE

On record, anim na taon na silang magkarelasyon nang unang kumpirmahin ni Mikael sa publiko na sila na ni Megan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 11, 2017, ipinaliwanag ni Mikael na inilihim nila ni Megan ang kanilang relasyon dahil pareho pa lang silang nagsisimula sa showbiz noon.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Kahit tinatago namin, kahit may mga issues, kahit hindi namin kailangang aminin na tuluy-tuloy pa rin kami dahil honest lang kami.

“Walang pekean.

"Hindi kailangang sabihin dahil sa work.

"But otherwise, when we're together, kung makita niyo kami sa daan, sa mall, sa beach—wala lang. 'Ahhh, sila pala.'"

Si Megan ay produkto ng GMA-7 talent search na StarStruck Season 2, na umere noong October 2004 hanggang February 2005.

Lumipat siya sa ABS-CBN mula 2007 hanggang 2014, at bumalik ng GMA-7 noong March 2015.

Si Mikael naman ay nasa poder ng GMA Network mula nang magsimula itong mag-artista noong 2011 hanggang sa kasalukuyan.

WORKING TOGETHER

Pero mula nang isapubliko nina Megan at Mikael ang kanilang relasyon noong 2017, nasubaybayan ng kanilang mga tagasuporta ang masasaya nilang travels—sa Pilipinas man o abroad.

December 2017 naman nang pagtambalin sila sa unang pagkakataon sa Kapuso teleseryeng The Stepdaughters.

Mas lalo raw minahal ni Mikael si Megan nang makita niya ang pagiging team player nito sa set.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong February 2018, kuwento ni Mikael:

"I know she can act, I know she can do what she has to do for a scene, I know aaralin niya yung lines niya.

"Pero yung mga intangibles, yung mga extra—being a team player, making work happy...

"When you’re at work, that’s what? Seventy-five percent of your life.

"If you make it happy, happy na buong buhay mo."

Swak ang magkasintahan dahil masigla rin daw katrabaho si Mikael, ayon kay Megan.

"Hindi siya nagrereklamo at all—ever!

"It brings such a good energy to taping to have somebody just more positive."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young on first wedding with Mikael Daez in Batangas: "Fofo and I ended up crying during the whole ceremony so please excuse our red noses."
PHOTO/S: @mymetrophoto via @meganbata Instaram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results