Xian Lim comments on James Reid-Nadine Lustre breakup

by Arniel C. Serato
Jan 27, 2020
Xian Lim on James Reid and Nadine Lustre breakup: "Nakakapanghinayang naman po talaga naman lahat ng relationships [na nagtatapos]."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @james on Instagram

Isa si Xian Lim sa nanghihinayang sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Magkasama sina Xian, James, at Nadine sa kuwadra ng Viva Artists Agency noon, pero umalis na sa Viva si James noong 2019.

Sa story conference ng pelikulang Sa Muli, na pagbibidahan nina Xian at Ryza Cenon, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media ang aktor tungkol sa hiwalayang JaDine.

JaDine ang tawag sa love team nina James at Nadine.

Sabi ni Xian, “Always naman po talaga, any type of relationship, kahit sino po 'yan, if there was a relationship, nakakapanghinayang naman po talaga naman lahat ng relationships [na nagtatapos].

“But, yes, sometimes you grow as person, sometimes you go separately.

“Sometimes may dadaan na tao just to teach you a lesson, and that lesson is what you bring to the next relationship para mas mag-blossom pa yung pagmamahal.”

Para raw sa lahat ng nasa relasyon, hindi lang sina James at Nadine, ang ibinigay na payo ni Xian.

Continue reading below ↓

“Give love and spread love,” pakli niya.

Kung may hindi pagkakaunawaan ang magkarelasyon, maaari naman daw itong ayusin muna at hindi kailangang mag-break kaagad.

“Hindi rin kasi ako naniniwala sa cool-off, e.

“Tama, may time to give each other space and time, pero bakit cool-off? Ano ba ibig sabihin nun?

"Hindi ko rin kasi naintindihan yun, e.

“Give it time, huwag naman tayo basta-basta [maghiwalay ng landas], give it time, kung kaya pang ayusin, ayusin natin.

“Pero kung wala talaga, nasasaktan na tayo, kung hindi na tayo nagu-grow di ba?”

Si Xian ay kasalukuyang karelasyon ang Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on James Reid and Nadine Lustre breakup: "Nakakapanghinayang naman po talaga naman lahat ng relationships [na nagtatapos]."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results