Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Regine Velasquez hurt by bashing after misspelling Kobe Bryant's name in post

by Jet Hitosis
Jan 27, 2020
Regine Velasquez defends herself from someone who bashed her after she accidentally misspelled the name of basketball legend Kobe Bryant in her Instagram post, following the tragic death of the 41-year-old NBA superstar.
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram, Twitter

Ininda ni Regine Velasquez ang natanggap na pamba-bash nang magkamali siya sa pag-spell sa pangalan ng basketball superstar na si Kobe Bryant.

Ito ay makaraang mag-post si Regine sa Instagram ngayong Lunes, January 27, kaugnay ng pagkasawi ni Kobe sa helicopter crash sa California nitong Linggo, January 26 (U.S. time).

Kasamang nasawi ng 41-anyos na Los Angeles Lakers legend ang 13-anyos niyang anak na babae na si Gianna Bryant, at pitong iba pa.

Papunta ang mag-ama sa Mamba Academy sa Thousand Oaks—kung saan may basketball practice si Gianna at magsisilbi namang coach si Kobe—nang mangyari ang aksidente.

At press time, hindi pa rin natutukoy ng mga awtoridad ang tunay na sanhi ng pagbagsak ng helicopter ng grupo ni Kobe sa Calabasas, California.

REGINE, OTHER CELEBRITIES REACT

Nanggulat ang malungkot na balitang ito na gumising sa maraming Pilipino ngayong Lunes.

Ilang celebrities ang nag-post ng kanilang reaksiyon sa biglaang pagpanaw ni Kobe.

Continue reading below ↓

Kabilang sa kanila si Regine, na nag-post sa Instagram ng litrato ng basketball legend habang nakasuot ng dilaw na Lakers jersey.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa post ni Regine, nakalagay sa caption: “Sad day [crying face emoji]. #RIPKobe”

Pero batay sa media reports, “RIPCoby” umano ang orihinal na hashtag sa post ng 49-anyos na singer-actress.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Makalipas ang kalahating oras, nag-tweet si Regine para amining madalas siyang nagkakamali sa pag-i-spell ng pangalan ng tao.

‘Tsaka niya binigyang-diin na “you can correct me without embarrassing me and it’s ok.”

Base sa tweet ng Asia’s Songbird at sa reaksiyon ng kanyang Twitter followers, nakatanggap pala ng pambabatikos ang singer dahil sa maling spelling niya sa pangalan ni Kobe.

Nagpahayag naman ng suporta kay Regine ang ilan niyang Twitter followers.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Dahil dito, in-edit ni Regine ang kanyang hashtag at inilagay sa disable mode ang comments feature sa Instagram post niya tungkol sa pumanaw na NBA superstar.

Continue reading below ↓

Wala nang makitang komento sa naturang post ni Regine, kaya hindi na rin matukoy kung ano ang sinabi ng nam-bash sa singer.

REGINE SAYS SHE HAS DYSLEXIA

Sa parehong tweet, nagpaliwanag si Regine tungkol sa pagiging dyslexic niya: “I have dyslexia I have a hard time with spelling.”

October 2012 nang aminin ni Regine sa interview sa kanya ng PEP.ph na mayroon siyang dyslexia.

Ayon sa webmd.com, ang dyslexia ay isang learning disorder na nakaaapekto sa pagsusulat, pagbabasa, pagbabaybay, at minsan, maging sa pagsasalita.

Nade-develop simula sa pagkabata at dala hanggang sa pagtanda, ang may dyslexia ay nahihirapang magproseso ng mga letra at salita, ayon pa rin sa webmd.com.

Isa pa ngang fan ni Regine ang nagtanggol sa kanya, at nagbigay na rin ng paliwanag tungkol sa pagiging dyslexic ng singer.

Continue reading below ↓

“YOU CAN CORRECT ME WITHOUT MAKING ME FEEL BAD”

Bahagi rin ng tweet ang direktang mensahe ni Regine sa nam-bash sa kanya dahil lang sa hindi sinasadyang pagkakamali niya.

Malinaw sa post ng singer na nasaktan siya sa natanggap na pambabatikos.

“Please be kind again you can correct me without making me feel bad,” mababasa sa dulo ng tweet ni Regine.

Continue reading below ↓

Nag-react sa tweet ni Regine ang asawang si Ogie Alcasid: “I love you my honey. [three heart emojis]”

Nagpakita rin ng suporta kay Regine ang kaibigan at kapwa singer na si Jaya.

Reply ni Jaya: “I also don’t get how people can just criticise as if the incorrect spelling will affect their lives and careers [worried emoji] you might be dyslexic but God has blessed you so much that He made you conquer the world with your talent.

Continue reading below ↓

“Don’t worry about others Mare.

“Know that YOU ARE LOVED! [Latin cross emoji].”

Sagot ni Regine kay Jaya: “Thank you mare. Struggle talaga sya mare and I’m always embarrassed by it.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez defends herself from someone who bashed her after she accidentally misspelled the name of basketball legend Kobe Bryant in her Instagram post, following the tragic death of the 41-year-old NBA superstar.
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram, Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results