Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Is Ellen Adarna dating again?

by Arniel C. Serato
Jan 27, 2020
Netizens are now speculating if Ellen Adarna is dating again after seeing her Insagram post with a man named Carlos Lemus. The actress is now in Madrid, Spain for a vacation with friends.
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

May bago na bang love life si Ellen Adarna?

Ito ang katanungan ng mga nakakita sa recent Instagram posts ng 31-year-old actress.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Ellen ang ilang larawan mula sa kanyang bakasyon sa Spain kasama ang ilang non-showbiz friends.

Nakalagay sa caption: “Central America in Madrid [laughing, heart emojis].”

Continue reading below ↓

Ngunit ang higit na nakapukaw ng pansin ay ang post ni Ellen noong January 24, kung saan kayakap niya ang isang lalaki.

Naka-tag dito ang account ni @doncarlemuss.

Sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nasabing account, nakalagay rito ang pangalan ng lalaki—Carlos Lemus.

Continue reading below ↓

Naka-private ang account ni Carlos.

Sa isa pang larawan na in-upload ni Ellen kahapon, January 26, makikitang nakahawak si Ellen sa baywang ng lalaki, na pinaniniwalaang si Carlos din.

Nakalagay sa caption: “¡!Siiiii!!!¡!¡”

Nag-comment naman dito ng tatlong “in love” at tatlong “heart” emojis si Carlos.

Continue reading below ↓

Pati ang mga malalapit na kaibigan ni Ellen na sina Vito Selma at Mimi Qui Reyes ay nagkomento rin ng “heart emojis.”

Continue reading below ↓

Noong Hunyo 2019 ay napabalita ang pakikipaghiwalay ni Ellen sa dating live-in partner na si John Lloyd Cruz.

Ayon sa ilang sources na malapit sa dalawa, co-parenting na lamang ang status nila sa kanilang one-year-old son na si Elias Modesto.

Si John Lloyd ay abala ngayon sa kanyang showbiz comeback.

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa ilang malapit kay Ellen upang makahingi ng dagdag pang impormasyon tungkol sa Instagram photos ni Ellen kasama si Carlos.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are now speculating if Ellen Adarna is dating again after seeing her Insagram post with a man named Carlos Lemus. The actress is now in Madrid, Spain for a vacation with friends.
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results