Ai-Ai delas Alas criticized by netizen for posting sweet message from husband; Comedy Queen lashes back

by Arniel C. Serato
Jan 28, 2020
Ai-Ai delas Alas loses her cool with a basher: "Agaga tarantado kasi yang mga basher nayan...madami ng sinirang buhay yan mga yan dapat yan pinakapakain sa lava tutal wala namang maganda kontribusyon sa lipunan kundi manira ng kapwa."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi itinago ni Ai-Ai delas Alas ang pagka-bad trip sa isang basher dahil sa pakikialam daw nito sa kanyang simpleng kaligayahan.

Sa Instagram post niya ngayong Martes ng umaga, January 28, ibinahagi ni Ai-Ai ang screenshot ng handwritten note ng kanyang mister na si Gerald Sibayan.

Nakalagay sa note ni Gerald: “Ito na po ang Breakfast mo darling. I LOVE YOU so much. GOOD HUSBAND. Darl.”

Caption naman dito ng Comedy Queen: “Good morning -- thank you LORD sa blessing na ito .. [smiley emoji] #geraldgoodhusband

Continue reading below ↓

AI-AI LASHES BACK AT BASHER

Isa sa mga nagkomento sa post na ito ni Ai-Ai ay ang Instagram user na si @brie5858. Walang profile pic ang nasabing account.

Komento ng netizen: “Why need to post this? You could try to leave something private in your lives to yourselves.”

Halatang nagpanting ang tenga ni Ai-Ai.

Continue reading below ↓

Buwelta ng Kapuso star (published as is): “@brie5858 ang inggit naka mamatay yan magbago ka na!!!.. ig ko to at kahit anong i post ko wala KANG PAKIALAM..

"mag lagay ka muna ng picture at mag trabaho ka para makatulong ka sa bayan hindi yung bash k ng bash !!!!!!kaya hindi ka umuulad kasi yan ang gawain mo”

Continue reading below ↓

Sumaklolo naman si Gerald sa kanyang asawa.

Patama nito sa netizen: "@brie5858 wag maiingit okay.”

Maikling tugon ng netizen: “ok.”

Pero hindi pa rin humupa ang galit ni Ai-Ai.

Buwelta niyang muli: “@brie5858 hindi ok !!!!! Magbtrabaho ka!!!!! Para makatulong ka sa pamilya mo!!!!!!!!”

Continue reading below ↓

Ilang followers ni Ai-Ai ang nagbigay ng suporta sa kanya at tinira rin ang netizen, na sinagot naman ng aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas loses her cool with a basher: "Agaga tarantado kasi yang mga basher nayan...madami ng sinirang buhay yan mga yan dapat yan pinakapakain sa lava tutal wala namang maganda kontribusyon sa lipunan kundi manira ng kapwa."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results