Andrew E on courting Ana Roces in the '90s: "Basted po ako."

by Rachelle Siazon
Jan 29, 2020
Andrew E reveals he once visited Ana Roces at her family's Parañaque home: "I do remember it was a golden time for me na ginawa ko assignment niya. Isa lang kinasisisi ko... sana tinagalan ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa muling paghaharap nina Ana Roces at Andrew E, diretsahan nilang sinagot ang mga katanungan tungkol sa kanilang samahan bilang sikat na love team noong '90s.

Pinakapopular na proyekto nila ang Alabang Girls, pelikula ng Viva Films na nagkaroon ng spin-off sitcom sa TV5 mula 1992 hanggang 1994.

Huli silang nagkatrabaho sa pelikulang Bangers noong 1995.

Makalipas ang 25 taon, sila ulit ang magkatambal sa upcoming Viva Films movie na may working title na Condo.

Pagbibidahan din ito nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Jerald Napoles, Nathalie Hart, Maui Taylor, Marissa Sanchez, at Leo Martinez.

Sa storycon ng Condo, tahasang inamin ni Andrew E na niligawan niya si Ana, pero binasted siya nito.

"Nanligaw po ako. Basted po ako. And I'm proud.

"Kasi siyempre, kung hindi nangyari sa akin yun, hindi ko mahahanap yung sarili ko.

"Pero I cherish the day and the minute na kung puwede ko na sabihin sa inyo yun, e, sana mag-expound din si Ms. Ana Roces."

Continue reading below ↓

Inamin ni Ana, 43, na malaking factor ang nine-year age gap nila ni Andrew, 52, kaya niya ito binasted.

"Because during that time, 16 years old ako nung Alabang Girls.

"I think I was very young. So, yun.

"At that stage, you're very fickle-minded. And I was also in high school during that time. So, medyo bata pa."

Matamang nakinig si Andrew kay Ana.

Sabay komento ng actor-rapper, "I'm proud na, at least, alam din ninyo the reason behind..."

Hirit naman ni Maui Taylor kay Andrew: "Bakit hindi mo hinintay na mahinog?"

Sabi ni Andrew, "Siguro naniniwala ako sa kasabihan na when you have good love. you don't wait."

COURTSHIP DAYS

Naging bukas naman si Ana na noong nanliligaw sa kanya si Andrew ay nireregaluhan siya nito ng pizza at pancit.

Dagdag ng aktres, "I remember, he used to help me in my assignments sa computer.

"It was just being introduced sa amin at the time. Wala pang Microsoft. Ganun katagal na."

Continue reading below ↓

Nakangiting sang-ayon ni Andrew, "Ang hindi alam ng Philippines, bago ako nag-artista, BSCS graduate ako, Computer Science.

"Nataon na new subject sa high school ang computer.

"Sabi niya, 'Puwede mo ba ako tulungan sa assignment?' Sabi ko, 'Of course!'"

Sobrang excited daw si Andrew na mas maging malapit noon kay Ana.

"Ayun, pumunta ako sa bahay. Nakarating ako.

"And I do remember it was a golden time for me na ginawa ko assignment niya."

Kuwelang balik-tanaw pa ni Andrew, "Isa lang kinasisisi ko nung ginagawa ko yung assignment niya.

"Madali naman talaga yung assignment niya, kasi siyempre basic lang. Pero sana tinagalan ko.

"Sobrang bilis kaya inabutan kaagad ako ng mommy niya ng merienda, kaya umalis kagad ako."

Tawanan ang cast members ng Condo lalo na nang biruin ni Dennis Padilla si Andrew.

"Yun ang style para umalis na," hirit ni Dennis.

BOTH HAPPILY MARRIED

Pareho nang pamilyado sina Ana at Andrew.

Continue reading below ↓

Ikinasal si Ana sa kanyang first husband na si Greg Montenegro noong April 2002, pero kinalaunan ay naghiwalay sila at na-annul ang kanilang kasal noong December 2008.

Muling nakahanap ng pag-ibig si Anna sa kanyang second husband na si Bertrand Baterina. Ikinasal sila noong 2011.

Si Andrew ay 19 years nang happily married sa kanyang maybahay na si Mylene Espiritu.

Pero kahit may kanya-kanya na silang buhay ay hindi raw maituturing iyon ni Andrew na "hindrance" upang magkatrabaho muli sila ni Ana.

Aminado rin ang actor-rapper na "kung ano yung kilig ko noon, yun din ang kilig ko noon."

Natatawang biro ulit ni Dennis, "Parang gusto pa tsumamba!

"Loyal ang asawa niyan, 'Tol! Abugado asawa niyan. Mahirapan tayo!"

Sa huli, tinanong si Ana kung may pag-asa bang sagutin niya si Andrew kung pareho silang single at nasa tamang edad.

"Kunwari he's not married, I'm also not married, both single? Siguro ano naman, I'd probably get to know him," sagot ni Ana.

Continue reading below ↓

Hindi kumbinsidong komento ni Dennis, "Safe answer naman!"

Depensa ni Ana, "Siyempre get to know muna before boyfriend-girlfriend!"

"Sige na nga," sang-ayon na lang ni Dennis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew E reveals he once visited Ana Roces at her family's Parañaque home: "I do remember it was a golden time for me na ginawa ko assignment niya. Isa lang kinasisisi ko... sana tinagalan ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results