Dahil inabutan si Atty. Ferdinand Topacio ng press sa Viva 2020 Vision thanksgiving party ngayong gabi, January 28, sa Novotel Hotel, tinanong ang abugado kung ano ang masasabi niya sa isyung namamagitan kina Nadine Lustre at Viva Films.

Kahapon, January 27, ay naglabas ng statement ang abogado ni Nadine, na si Atty. Lorna Kapunan, na pormal nang kumakalas sa Viva ang aktres kahit hindi pa tapos ang kontrata nito sa production and entertainment company.

Dahil nakahawak na rin ng mga kasong involved ang mga artista, si Atty. Topacio ay kilala na ng showbiz press. Kabilang sa mga naging kliyente niya noon ay ang mga aktres na sina Yasmien Kurdi, Angelica Jones, at Claudine Barretto.

Pahayag ni Atty. Topacio sa showbiz press na humingi ng opinyon niya sa isyu nina Nadine at Viva, sagrado raw ang isang kontrata at dapat na sundin kung ano ang mga nakasaad dito.

Nagbigay rin ng babala si Atty. Topacio sa "third party" na kukuha o kumuha na ng serbisyo ni Nadine. Haharapin daw nito ang "legal consequences" ng pagkuha sa isang artist na may kontrata pa sa Viva.

Binalaan din ng abogado si Nadine na hindi nito basta-basta puwedeng talikuran ang mga napagkasunduan sa pinirmahang kontrata sa Viva dahil puwede itong kasuhan ng "breach of contract."

Nilinaw naman ni Atty. Topacio na naimbitahan lang siya sa event na iyon ng Viva at hindi siya ang legal counsel ng production company laban kay Nadine.

Sana raw ay magkasundo sina Nadine at ang Viva Films.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results