Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Joshua Garcia opposes Julia Barretto's stand on closure: "Dapat may malinaw kayong usapan."

by Jet Hitosis
Jan 29, 2020
Joshua Garcia disagrees with ex-girlfriend Julia Barretto's stand on closure in relationships: “Importante sa relasyon yung closure, kasi dun maiintindihan ng isa’t isa na yun na yun, dun na yung end. ‘Tsaka ang bastos naman nun sa karelasyon mo na hindi mo ibigay yung closure, e, minahal mo din naman yun."
PHOTO/S: @garciajoshuae, @juliabarretto on Instagram

Kinontra ni Joshua Garcia ang opinyon ni Julia Barretto na "not having a closure is closure."

Sinabi ito ni Julia tungkol sa mga magkarelasyon sa interbyu nito sa Tonight with Boy Abunda nitong huling linggo ng Enero.

Nanindigan naman si Joshua na, bilang dating nagmahalan, mahalagang “may malinaw kayong usapan.”

Ipinunto ito ng 22-anyos na Kapamilya actor nang siya naman ang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes, January 28.

Si Joshua at Julia ay dating reel-and-real life partners.

Nagpo-promote si Joshua ng pelikula niyang Block Z, kasama ang co-actors na sina McCoy de Leon at Yves Flores.

Si Julia ay kasama rin nina Joshua, McCoy, at Yves sa Block Z.

Sa kalagitnaan ng interview, natanong ni Boy Abunda kung sang-ayon si Joshua sa opinyon ni Julia na “not having a closure is closure.”

Mabilis ang naging sagot ng young actor: “Hindi. Hindi closure yun.”

Ayon kay Joshua, mahalagang malinaw ang pagtatapos ng isang relasyon.

Continue reading below ↓

“Importante sa relasyon yung closure, kasi dun maiintindihan ng isa’t isa na yun na yun, dun na yung end.

“Para malinaw,” sabi ng aktor na minsan nang tinawag na "the next John Lloyd Cruz."

“PARA WALANG SISIHAN”

Ani Joshua, dapat ay personal na pag-usapan ng dating magkarelasyon ang kanilang closure.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Paliwanag niya, “Dapat may malinaw kayong usapan, para pagdating ng panahon, walang sisihan na mangyari.

“Halimbawa, nagkabiruan na—kasi normal yun sa mga magbabarkada, magkasama-sama kayo, magkabiruan—na ‘Ito nang-iwan, e.’

"Alam mo yung mga ganun na joke?

“Para alam namin sa isa’t isa na walang may kasalanan.”

Dagdag pa ni Joshua, ang kawalan ng closure ay katumbas ng kawalang respeto sa taong minsang naging mahalagang bahagi ng buhay mo.

“‘Tsaka ang bastos naman nun sa karelasyon mo, na hindi mo ibigay yung closure, e, minahal mo din naman yun,” sabi pa ni Joshua.

THE END OF A TWO-YEAR RELATIONSHIP

April 2019 nang inamin nina Joshua at Julia ang noon ay dalawang taon na nilang relasyon.

Continue reading below ↓

Pero makalipas lang ang ilang buwan, kapwa kinumpirma ng magka-love team na hiwalay na sila.

Sa panayam kay Joshua ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 2019, sinabi ng aktor na maayos nilang pinag-usapan ni Julia ang kanilang paghihiwalay, at walang third party involved.

Ilang linggo makalipas ang nasabing panayam, nadawit si Julia sa breakup naman nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Kaagad na pinabulaanan nina Julia at Gerald ang isyu.

Bagamat noong una ay ipinagtatanggol ni Joshua si Julia sa mga nam-bash sa young actress, sa huli ay nanamlay na rin ang pagkakaibigan ng dating JoshLia.

At sa kasagsagan ng pagpo-promote nila ngayon ng Block Z, nag-viral nitong January 24 ang video ng umano’y deadmahan nina Joshua at Julia sa backstage ng isang event na kapwa nila dinaluhan.

Parehong wala pang reaksiyon ang dating magkasintahan sa naturang video.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia disagrees with ex-girlfriend Julia Barretto's stand on closure in relationships: “Importante sa relasyon yung closure, kasi dun maiintindihan ng isa’t isa na yun na yun, dun na yung end. ‘Tsaka ang bastos naman nun sa karelasyon mo na hindi mo ibigay yung closure, e, minahal mo din naman yun."
PHOTO/S: @garciajoshuae, @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results