Sheryn Regis mourns death of her father

by Rommel Gonzales
Jan 30, 2020
Sheryn Regis on losing her father: "'Tsaka napi-feel ko ngayon na, alam mo ba, dami kong guestings, dami kong ginagawa, pero randomly, at night, umiiyak ako. Kaya lang minsan, itinatago ko lang. Kasi, ayokong magka-eyebags nang sobra, pero ang sakit, e."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Napaluha si Sheryn Regis habang nagkukuwento tungkol sa pagpanaw kamakailan ng kanyang amang si Bernardo Regis sa sakit na liver cancer.

“Guys, it’s really… I don’t know, it’s a tough year for me.

"If you’ll ask me, ‘Do you have a happy new year?’ Nada.

“Because January 1st, iyon yung time na hindi na talaga okay si Papa... January 3rd, he died.

“It’s crazy, because I really wanted him to wait for me to be back on January 7, but hirap na siya, e. I just let him go.

“Hindi ko alam, kasi pumunta lang ako dito last December 7 'til16, ha.

"Then, paglapag na paglapag ko Houston [Texas], December 17, sabi ng Mama, ‘Yung Papa mo, ano na, parang nag-collapse.’

“So, sabi ko, ‘Dalhin mo na sa ospital,’ ganyan-ganyan.

“Just for that span of, like… hindi pa umabot ng one month, agad-agad."

Ayon pa kay Sheryn, “Ngayon ko lang na-feel, it’s really hard na mawalan ng parent.

Continue reading below ↓

"My Papa… galing din sa kanya iyung boses ko, nakuha ko iyung boses ko kay Papa.

“Every time na nagso-show ako dito sa Pilipinas, siya yung pinakaunang napaka-excited talaga.

"At pag pinipigilan ko yung boses ko, sasabihin niya, ‘Huwag kang magpigil, baka mapaos ka.’

“Competitive din yun, e, yung papa ko, tahimik na stage father.

"'Tsaka napi-feel ko ngayon na, alam mo ba, dami kong guestings, dami kong ginagawa, pero randomly, at night, umiiyak ako.

“Kaya lang minsan, itinatago ko lang. Kasi, ayokong magka-eyebags nang sobra, pero ang sakit, e.

“I love my Ddad, na hindi ko nasabi sa kanya always na sobra yung pagmamahal ko sa kanya.

"Kasi, sa family kasi namin, hindi kami masyadong nag-a-'I love you,' pero maaano kami… you know, the usual Filipino na hindi masyadong ano, pero close ako kay Papa ko.

“And I still remember, when I was a kid, he used to kiss me sa lips, sabi niya, ‘You be a singer, it’s fine.’

Continue reading below ↓

“He was an OFW working for us.

"He’s not really a perfect dad, really not a perfect dad, pero nakita ko yung support niya sa akin the moment nag-eighteen years old ako, the moment I decided to have a partner in life, he was with me all the time.

“Kahit nasa apartment ako or nasa bahay ako, kasama ko lagi si Papa.

“He’s a good dad, kasi lagi niyang kasama ang mama ko, to protect me and to support me in many, many ways, especially in my career.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryn sa presscon ng concert niyang Back To Love sa Max’s Restaurant sa Sct. Borromeo St., Quezon City noong Biyernes, January 24.

CALLING HER NAME

Bago siya umalis ng Amerika, may habilin ba kay Sheryn ang kanyang ama?

“Lagi lang siyang ano... because noong nasa ospital siya, sobra niyang… hindi na siya makapagsalita because he had a stroke pala.

Continue reading below ↓

"So, biglang gusto niyang magsalita, tawag lang siya nang tawag ng pangalan ko even though nahihirapan siya.

“So, alam kong parang ano… siguro nag-aano siya na, ‘Ang laki na ng gastos mo,’ or something like that.

"Sabi ko, ‘Pa, no, nandito ako, I’m working for you guys.’

“Sabi ko, ‘Huwag kang ano, gusto ko lang gumaling ka,’ ganun.

"Kasi, ang iba kasi sa atin na Pilipino, di ba, yung tatay natin, nagtitimpi.

"Kasi, ang akala nila, pabigat sa anak, hindi e!

“Kahit hindi na sila nagtrabaho, ako, promise ko ‘yan nung maliit ako, na igagapang ko sa hirap yung parents ko.

“Kasi, meron tayong iba’t ibang klaseng parents, sila yung support lang lagi, hands-on sa akin, hindi sila nagtatrabaho, pero I promised them I will work for them.”

Maipagmamalaki sana si Sheryn ng ama niya habang nagko-concert.

“Yes, actually sabi pa nga… iyung last na sabi niya, ‘Uy, good luck sa February 28, tuloy ba yun?’

Continue reading below ↓

“Sobrang excited niya, kasi homecoming ko nga, pero hindi naman niya naabutan, e.

"He just turned sixty-eight last December 26.”"

Homecoming concert ni Sheryn—na mina-manage na ng March On Entertainment, Inc.—ang Back To Love makalipas ang sampung taon na paninirahan sa Amerika.

Gaganapin ito sa February 28 sa Music Museum.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryn Regis on losing her father: "'Tsaka napi-feel ko ngayon na, alam mo ba, dami kong guestings, dami kong ginagawa, pero randomly, at night, umiiyak ako. Kaya lang minsan, itinatago ko lang. Kasi, ayokong magka-eyebags nang sobra, pero ang sakit, e."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results