Migo Adecer explains why he flaunts non-showbiz girlfriend on IG

by Rommel Gonzales
Jan 30, 2020
Migo Adecer on posting photos of girlfriend Katrina Mercado on Instagram: "And I mean sa isang bagay na doon ako nakakakuha ng happiness, gusto kong mag-share, kasi nagiging masaya ako dun."
PHOTO/S: Migo Adecer Instagram

Lately ay madalas ang post ni Migo Adecer sa Instagram ng mga larawan nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado, lalo na ng travels nila.

Bakit tila hindi na niya “itinatago” na may karelasyon siya?

“Kasi, pagod na akong mag-hide, ang hirap," sagot ni Migo.

“I mean, it’s an unnecessary stress para sa akin.

"And I mean, sa isang bagay na doon ako nakakakuha ng happiness, gusto kong mag-share, kasi nagiging masaya ako dun.”

Hindi ba siya pinagbawalan ng GMA Artist Center na ihayag sa publiko ang relationship status nila ni Katrina?

“Hindi naman. Dati, pero ngayon hindi naman.

"I mean, may mga worst cases out there, katulad sa mga nangyari last year.

"So, I mean, eto, at least, hindi masama.”

Ang tinutukoy na "worst cases" ni Migo ay ang kinasangkutan niyang hit-and-run incident noong 2019.

Mabuti at okay kay Katrina na finally ay ilabas ni Migo ang mga litrato nila?

Continue reading below ↓

Ayon kay Migo, “Actually, sa kanya walang problema talaga, hindi siya nag-ask.

"Ako lang ang gumawa, kasi parang twenty na ako, siguro naman puwede akong mag-find ng life partner.”

Noong hindi pa niya “ipinakikilala” sa publiko si Katrina, hindi ba ito nagtanong kung bakit niya itinatago?

“Never ko siyang itinago," paglilinaw ng StarStruck 6 winner.

"It’s just, personally, early stages ng relationship namin, siyempre, bakit mo i-post agad?

“Kasi, kailangang kilalanin muna ang isa’t isa, kung tingin mo na pareho iyung values ninyo, kapag na-establish mo iyun at alam mo na okay sige kaya natin ‘to, dun ka mag-post, ‘di ba?”

Isang taong eksakto nitong January 22 ang relasyon nina Migo at Katrina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Migo nitong Martes, January 21, sa 17th floor ng GMA Network.

LEADING MAN OF KAPUSO PRINCESSES

Mga prinsesa ng GMA Network ang nakakatambal ni Migo sa primetime drama series.

Pagkatapos ng Sahaya with Bianca Umali, si Barbie Forteza naman ang kapareha niya sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Continue reading below ↓

“Yun nga, nagulat talaga ako na si Barbie yung partner ko dahil… as in hindi talaga kami close,” sambit ni Migo.

“I mean, acquaintances lang, like, kilala namin yung isa’t isa.

"Hindi naman sa, ‘Uy, kamusta, anong mga nangyayari sa buhay mo?’

“Parang ganun, wala, hi-hello lang, ganun.

"So I’m happy na through shows like this, I can make more friends and get to know more of our Kapuso artists.

“So, when we say na Kapuso kami, family rin kami.

"So, through this, not only can I gain a friend but also learn.

"Kasi, alam ko naman yung parang motto ni Barbie na parang ‘work is life.’

“So, yung work ethic niya, maganda.

"So, maybe there’s something I can learn that would make me love my job more from a person who’s been in the industry for so long and does the hardest roles I can think of.”

Open book na pareho sila ni Barbie na masaya ang love life, so, hindi sila mali-link?

Continue reading below ↓

“I mean, hindi puwedeng iwasan yun.

"Siyempre, yung fans, magpo-post. I mean, trabaho is trabaho, di ba?

“Love life is what personally makes us happy for us to work better sa TV, so para sa akin perfect balance lang.”

Ang boyfriend ni Barbie ay ang Kapuso hunk na si Jak Roberto.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Migo Adecer on posting photos of girlfriend Katrina Mercado on Instagram: "And I mean sa isang bagay na doon ako nakakakuha ng happiness, gusto kong mag-share, kasi nagiging masaya ako dun."
PHOTO/S: Migo Adecer Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results