Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Nadine Lustre talks about breakup with James Reid for the first time

Jan 30, 2020
Nadine Lustre on going through hardships: “I have this mantra that I learned in the past few months, ‘There's no way 'round it, only through it.’ All the challenges and hardships that come to your life, walang short cut yun, e. You have to go through it. And after you go through it, there's so much growth.”
PHOTO/S: @nadine on Instagram

“There's no way around it, only through it.”

Ito raw ang mahalagang natutuhan ni Nadine Lustre tungkol sa "challenges and hardships" habang hinaharap ang magkakasunod na pagsubok sa kanyang buhay ngayon.

Una, ang hiwalayan nila ng long-time boyfriend at dating ka-love team na si James Reid.

Bagamat unang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 1, 2020 na break na sina James at Nadine, nitong January 20 lang ito kinumpirma ng dating magkasintahan.

Pagsapit ng January 27, inihayag naman ng 26-anyos na Kapamilya actress na kumalas na siya sa kanyang exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Pero mabilis itong kinontra ng talent management company, at iginiit na nananatiling “exclusive artist” nila ang aktres.

Ang Viva ang namamahala sa career ni Nadine at nagpasikat dito sa nakalipas na sampung taon.

NADINE TAKES ON CHALLENGES, HEARTACHES

Sa exclusive interview kay Nadine ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe nitong Miyerkules, January 29, tiniyak ng aktres na maayos ang kanyang kalagayan.

Continue reading below ↓

“I am good. I am okay,” sagot ni Nadine nang kumustahin ni MJ.

Dagdag niya, “You know, it’s weird because people would think na these challenges will really hurt you, and it’s really gonna put you down, and make you feel super depressed na, parang, 'I don’t want to go out.'”

Aminado ang aktres na mahirap para sa kanya ang hiwalayan nila ni James, na sinundan pa ng pagtalikod niya sa Viva.

“It’s hard at first. Believe me, it was really hard.

“But at the end of the day kasi, I think to myself na, parang, 'Okay, what is going to come out of this?'”

Para kay Nadine, ang bawat problema ay nagbibigay ng oportunidad upang mapabuti ng tao ang kanyang sarili.

“After all these, when I’m done with this challenge, when I’m done with this heartache or whatever it is, I’m gonna be a stronger and better person.

“I would learn so much from that,” sabi ni Nadine sa panayam.

Continue reading below ↓

HARDSHIPS AND GROWTH

Habang nagpapakatatag sa harap ng mga problema, sinabi ng aktres na may mahalagang bagay siyang na-realize.

Paglalahad ni Nadine, “I have this mantra that I learned in the past few months, ‘There's no way 'round it, only through it.’

“All the challenges and hardships that come to your life, walang short cut yun, e.

“You have to go through it.

“And after you go through it, there's so much growth.”

JADINE BREAKUP

Sa parehong interview, nilinaw rin ni Nadine na “super good” sila ngayon ni James, taliwas sa naglalabasan sa social media.

“We are good. That’s all everyone needs to know,” ani Nadine.

“I think the social media kasi just blew it out of proportion.

“Talagang medyo naging OA lang, but we are super good,” pagtitiyak pa ng aktres.

Tinukoy ni Nadine ang anggulo ng third party, at pagkakadawit ng kaibigang si Issa Pressman, sa breakup nila ni James.

Ilang oras matapos makumpirma ang hiwalayan, kumalat sa social media ang video ng umano'y pagyayakapan at paghahalikan nina James at Issa, habang nakatalikod si Nadine, sa isang kasiyahan sa Boracay.

Continue reading below ↓

Pinabulaanan naman ito mismo nina Nadine, James, Issa, at maging ng kapatid ni Issa na si Yassi Pressman.

Bukod dito, sa nakalipas na mga araw ay madalas na mamataang magkasama sina James at Nadine.

Nakuhanan sila ng video habang nasa isang pub sa Makati City nitong January 25.

Kinabukasan, January 26, ipinost naman sa Instagram ng kapatid ni James, si Lauren Reid, ang isang group picture ng "pasta night" nilang magkakaibigan.

Magkasama, pero hindi magkatabi, sa litrato sina James at Nadine.

Continue reading below ↓

NADINE WILLING TO WORK WITH JAMES

Sa interview ng ABS-CBN News, sinabi rin ni Nadine na bukas siya sa posibilidad na muli silang magtambal sa isang teleserye ng dating boyfriend.

Gayunman, hindi raw ito ang prayoridad nila ni James sa ngayon.

“Of course. Maybe in the future,” sinabi ni Nadine kay MJ.

“But right now kasi, the goal talaga is to work on other stuff separately.”

Tumanggi naman si Nadine na magkomento tungkol sa pag-alis niya sa Viva, at sa posibilidad na magkaroon ng legal issues sa pagitan niya at ng kumpanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on going through hardships: “I have this mantra that I learned in the past few months, ‘There's no way 'round it, only through it.’ All the challenges and hardships that come to your life, walang short cut yun, e. You have to go through it. And after you go through it, there's so much growth.”
PHOTO/S: @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results