Kim Chiu, Pia Wurtzbach, Luis Manzano, other celebs remind public against coronavirus

by Jet Hitosis
Jan 31, 2020
Through their Instagram posts, Kim Chiu, Pia Wurtzbach, Luis Manzano and other celebrities remind the public to stay healthy amid nCoV scare, after the government confirmed on January 30 that a Chinese female tested positive for the deadly virus, and is currently isolated in a hospital in Manila.
PHOTO/S: Noel Orsal, @piawurtzbach, @luckymanzano on Instagram

Kasabay ng pahayag na may kumpirmado nang kaso ng novel coronavirus (nCoV) sa Pilipinas, maraming celebrities ang umapela sa publiko na manatiling malusog at alerto, at doblehin ang mga pag-iingat laban sa nakamamatay na sakit.

Huwebes ng hapon, January 30, nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa nCoV ang isang 38-anyos na babaeng Chinese.

Ang dayuhan ay naka-isolate ngayon sa isang pampublikong ospital sa Maynila.

Ayon sa DOH, ang babae ay nanggaling sa Wuhan, ang ground zero o pinagmulan ng virus, sa China.

Mula sa Wuhan, bumiyahe ang babae sa Hong Kong at dumating sa Pilipinas noong January 21.

Sa press conference nitong Huwebes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na asymptomatic o walang sintomas ng nCoV ang dayuhan.

Isang bagong tuklas na virus at wala pang lunas, ang mga sintomas ng nCoV ay lagnat, ubo, at hirap sa paghinga.

Tiniyak ni Secretary Duque na sinimulan na ng DOH ang pagtukoy sa mga lugar na pinanggalingan at mga taong nakasalamuha ng pasyente.

Continue reading below ↓

Napag-alaman ng kagawaran na nagpunta muna sa Cebu at Dumaguete ang dayuhan bago nagtungo sa Metro Manila.

Ngayong Biyernes, January 31, sinabi ng DOH na 56 na katao sa bansa ang masusing mino-monitor kaugnay ng alerto sa nCoV.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

CELEBRITIES WARN THE PUBLIC AGAINST CORONAVIRUS

Kasunod ng kumpirmasyon ng gobyerno na nakapasok na ang nCoV sa Pilipinas, nagkani-kanya ng post ang ilang celebrities upang ialerto ang publiko laban sa sakit.

Huwebes ng gabi, ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram Stories ang tungkol sa unang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.

Caption ni Kim: “Nakaka praning naman to!!!! [face screaming in fear emoji] scary!!!!! Please keep safe and doble ingat everyone!!!!”

Continue reading below ↓

Sa Instagram Stories din ibinahagi ni Lovi Poe ang “Mga paalala para labanan ang nCoV” mula sa tanggapan ng kapatid niyang si Senator Grace Poe.

Tinukoy na mabibisang paraan laban sa virus ang regular na paglilinis ng kamay, pagtatakip sa bibig at ilong kapag umuubo at bumabahing, pagsusuot ng surgical mask, hindi pagkonsumo ng hilaw na pagkain, iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig, at pag-iwas sa mga may sakit.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng infographic, nagpaalala si Pia Wurtzbach na ang nCoV ay naipapasa “via close contact” sa pamamagitan ng “respiratory droplets.”

Idinaan din ni Xian Lim sa Stories ang pagtalakay sa pagkakaiba ng surgical mask, N95 mask, at paper mask.

Continue reading below ↓

Si Luis Manzano, seryosong nakiusap sa publiko na iwasang “umubo o humatsing nang harap-harapan” sa gitna ng nCoV scare.

Ipinagpaliban naman ni Heart Evangelista ang biyahe sana niya patungong New York, base sa kanyang post sa Stories din.

“Hold muna ang mga bagay bagay stress,” saad sa post ng actress-fashion icon-social media influencer.

Continue reading below ↓

Sa isa pang post, ipinaalala ni Heart na kahit sino ay delikado sa nCoV: “It’s funny how people think others are exaggerating. They live in a bubble. Lahat pwede magkasakit. K? Stay safe [heart emoji].”

Continue reading below ↓

Sina Pops Fernandez at Iñigo Pascual, nag-post sa Instagram ng kanilang selfie habang nakasuot ng mask, at pinag-iingat ang publiko kontra nCoV.

Continue reading below ↓

Panalangin naman para sa kaligtasan ng mga Pilipino laban sa nakamamatay na virus ang ipinost nina Gary Valenciano at Regine Velasquez.

Continue reading below ↓

GLOBAL EMERGENCY

Samantala, dahil sa mabilis na pagkalat ng nCoV sa mundo, idineklara na ito ng World Health Organization (WHO) ngayong Biyernes, January 31, bilang isang global emergency.

Ipinost ni Solenn Heussaff sa kanyang Instagram Stories ngayong Biyernes ang tungkol sa balitang ito.

Sa kabuuan, 19 bansa na ang apektado ng virus, na kumitil sa buhay ng mahigit 200 katao sa China at press time.

Continue reading below ↓

Isa ang Pilipinas sa mga huling bansang nakapagtala ng kaso ng nCoV.

PH TRAVEL BAN

Ngayong Biyernes ng umaga, inihayag ng Malacañang na pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng travel ban laban sa mga Chinese na bibiyahe mula sa Wuhan at Hubei sa China.

Ilang araw nang naka-lockdown ang dalawang nabanggit na lugar dahil sa tumitinding banta ng nCoV.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through their Instagram posts, Kim Chiu, Pia Wurtzbach, Luis Manzano and other celebrities remind the public to stay healthy amid nCoV scare, after the government confirmed on January 30 that a Chinese female tested positive for the deadly virus, and is currently isolated in a hospital in Manila.
PHOTO/S: Noel Orsal, @piawurtzbach, @luckymanzano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results