Who is the Kapuso suitor of Kate Valdez?

by Rommel Gonzales
Feb 1, 2020
Kate Valdez on topbilling Anak Ni Waray vs Anak ni Biday with Barbie Forteza: "Wow! As in wow! Hanggang ngayon po, hindi ko pinapasok sa isip ko na bida ako, ganyan, hindi po. Hindi pa po nagsi-sink in sa utak ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

At nineteen years old, hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Kate Valdez.

Pero may nanliligaw raw sa kanyang artista na ayaw niyang i-reveal kung sino.

Kapuso artist ang lalaki na kung ituring ni Kate ay “close friend.”

Sino ba ang pinakamalapit niyang kaibigang lalaki sa GMA-7?

Tugon ni Kate, “Best friend ko na siya since wala pa ko sa showbiz industry, si Kim de Leon.”

Si Kim ang Ultimate Male Survivor ng Season 7 ng StarStruck last year.

Sa mga audition at VTR, noong pareho pa silang hindi artista, naging magkaibigan sina Kate at Kim. Limang taon na ang friendship nila.

Proud si Kate sa achievement ni Kim sa StarStruck. Hindi nagbago ang friendship nila.

“Hindi po, ngayon lang kasi busy na siya sa tapings and ako din po.”

Pero may girlfriend si Kim kaya hindi ito ang nanliligaw kay Kate.

“Alam ko po, friend ko rin yung girlfriend niya.”

Continue reading below ↓

Sino naman ang crush niya sa showbiz?

Hindi direktang sinagot ni Kate ang tanong.

Sa halip, sabi niya, “When it comes to work, I wanna work with Manolo pa rin.”

Close ba sila ng Kapamilya-turned-Kapuso actor na si Manolo Pedrosa?

“Opo, close po kami, super close,” tugon ng Kapuso actress.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Naging close sina Kate at Manolo sa pelikulang Black Lipstick na ipinalabas noong 2019.

Pero sa teleserye ay hindi pa sila nagkasama ni Manolo.

“Hindi pa po, kaya we’re hoping nga po na sana.”

Sa tanong kung si Manolo ang manliligaw niya, umiling ang magandang dalaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kate sa grand launch ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday nitong January 21, Martes, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

EQUAL BILLING WITH BARBIE FORTEZA

Hindi pa rin makapaniwala si Kate na bida na siya sa isang primetime series sa telebisyon, ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Continue reading below ↓

Bukod dito ay isang Barbie Forteza pa ang kasama niya, at kapantay sa titulo at billing ng show.

“Wow! As in wow! Hanggang ngayon po, hindi ko pinapasok sa isip ko na bida ako, ganyan, hindi po.

“Hindi pa po nagsi-sink in sa utak ko.

"Pero for now, ang nararamdaman ko ay sobrang saya, grateful ako dahil nakaka-work ko po ang mga veteran actors and actresses natin, and of course, Ms. Barbie Forteza.

“Kaya sobrang saya ko po dahil binigyan po ako ng chance and opportunity ng network na magbigay ng life sa character ko na si Caitlyn dito sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday.”

Ano ang nadiskubre niya kay Barbie?

“Na-discover ko si Ate Barbie, napakalawak na tao!

“Sobra yung understanding niya, yung perspective niya sa isang bagay at sa buhay, sobrang…

"At first, hindi mo makikita, very jolly, ganyan, pero pag nakausap mo na si Ate Barbie, marami kang matututunan sa kanya when it comes to life.

Continue reading below ↓

“Kaya I’m very proud na isa siya sa nilu-look up ko.”

Nagse-share ba kay Kate si Barbie ng mga bagay-bagay tungkol love life niya? Smooth-sailing ang relasyon nina Barbie at Jak Roberto.

“Kasi, open naman po si Ate Barbie, at once bumisita si Kuya Jak sa set, so, open naman po siya.

"So, nakikita ko naman po kung paano si Ate Barbie as a girlfriend and as an actor, as a person.

“Kaya sobrang I’m proud and happy for her."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kate Valdez on topbilling Anak Ni Waray vs Anak ni Biday with Barbie Forteza: "Wow! As in wow! Hanggang ngayon po, hindi ko pinapasok sa isip ko na bida ako, ganyan, hindi po. Hindi pa po nagsi-sink in sa utak ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results