Tom Rodriguez thanks Mikael Daez for marrying Megan Young: "Hindi mo ako binigo."

by Jet Hitosis
Feb 1, 2020
Tom Rodriguez (left) reveals that his Love of My Life co-star Mikael Daez (right) has been his "couple goals peg" ever since, and added that he thanked the model-actor for finally tying the knot with his long-time girlfriend Megan Young.
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya si Tom Rodriguez na finally ay ikinasal na sina Mikael Daez at Megan Young.

Si Mikael raw kasi ang “peg” ni Tom pagdating sa halos isang dekadang relasyon ng ngayon ay opisyal nang Mr. and Mrs. Daez.

Dalawang beses na ikinasal ngayong buwan sina Mikael, 32, at Megan, 29.

Una, noong January 10—isang araw makalipas ang kanilang 9th anniversary bilang magkasintahan—sa Caleruega Church sa Batangas.

Nagkaroon naman sila ng wedding celebration nitong January 25, sa San Rafael Chapel sa Subic sa Zambales.

Bagamat matagal nang magkarelasyon, marami ang nagulat sa biglaang anunsiyo na ikinasal na sina Mikael at Megan, na namumukod-tangi sa kanilang showbiz colleagues dahil sa pagpapahalaga sa privacy.

Karaniwan nang nasusubaybayan ng publiko ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga showbiz couples, tulad ng engagement at wedding.

Noong lumabas ang balita ng kanilang kasal sa social media noong January 25, naging mas kagulat-gulat ang pag-amin nina Mikael at Megan na nauna na pala silang ikinasal noong January 10.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, inamin din ng newlyweds na limang taon na pala silang engaged bago sila nagpakasal.

INSPIRING LOVE STORY

Maraming napabilib kina Mikael at Megan kung paano nila hindi naisapubliko ang kanilang unang kasal, pati na rin ang mga preparasyon para sa ikalawa nilang wedding.

Kabilang sa mga ito si Tom, na aminadong “peg” niya si Mikael pagdating sa pakikipagrelasyon.

Nasubaybayan daw kasi ni Tom ang love story ng model-actor na si Mikael sa Miss World 2013 winner na si Megan.

“Siya yung peg ko ever since nakita ko yung love story nila,” sabi ni Tom tungkol kay Mikael.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Tom sa mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Love of My Life.

Kasama rin sa cast ng Love of My Life si Mikael at ang long-time girlfriend ni Tom na si Carla Abellana, 33.

Mapapanood na bukas, February 3, nasa Love of My Life din sina Rhian Ramos at Ms. Coney Reyes.

Continue reading below ↓

TOM THANKFUL TO MIKAEL

Habang katabi si Carla, natanong si Tom tungkol sa reaksiyon niya sa pagpapakasal ni Mikael.

Sagot ni Tom, “Sabi ko sa kanya, ‘Congratulations and thank you na hindi mo ako binigo.’"

Paliwanag niya, “Sila yung couple goals at inspiration ko noon pa, hanggang ngayon.

“Kaya peg, peg,” ngiting-ngiting pag-amin ng aktor.

Nang tanungin ng isang reporter si Tom kung binigyan ba siya ni Mikael ng tips sa wedding preparations, natatawang “secret” ang isinagot ng Kapuso actor.

Dagdag niya na may halong biro, “Kukunin ko na yung listahan niya ng mga suppliers and what-not.”

Natawa nang malakas si Carla sa narinig, at masuyo siyang hinalikan ni Tom sa buhok.

Limang taon nang magkarelasyon sina Tom at Carla.

NO SECRET WEDDING

Sa naturang interview, kapwa nagpahayag ng paghanga ang magkasintahan kung paanong ginulat nina Mikael at Megan ang publiko sa pagpapakasal.

“Ang hirap din nga, e,” ani Carla.

Dagdag niya, “Ang galing nung ginawa nila, na-pull off nila yung secret wedding. Mahirap yun.”

Continue reading below ↓

Una nang nilinaw ni Mikael, sa isang hiwalay na panayam, na hindi maituturing na lihim ang unang pagpapakasal nila ni Megan, kundi isang "intimate wedding."

Pero para kina Tom at Carla, wala silang planong magkaroon ng secret wedding.

“Hindi naman kelangan secret,” sabi ni Carla.

“Very intimate lang,” singit ni Tom, na sinang-ayunan ng aktres.

Nang direktang tanungin tungkol sa kanilang wedding plans, natatawang sinabi ni Carla na wala pa siyang napaplano.

Ipinakita rin ng aktres ang kanyang ring fingers sa magkabilang kamay: “Wala pa naman pong singsing. Wala po.”

Seryosong humirit si Tom: “Hindi. Ako yun, that’s all on me.

“Siya wala [wedding plans], ako meron,” dagdag ng aktor.

TOM AND CARLA’S REUNION PROJECT

Tampok sa Love of My Life ang balik-tambalan nina Tom at Carla.

Taong 2017 pa huling nagkatrabaho sina Tom at Carla sa teleseryeng I Heart Davao.

Una silang nagtambal sa My Destiny noong 2014, ang taon na simula ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez (left) reveals that his Love of My Life co-star Mikael Daez (right) has been his "couple goals peg" ever since, and added that he thanked the model-actor for finally tying the knot with his long-time girlfriend Megan Young.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results