KZ Tandingan spills details on wedding plans

by Melba R. Llanera
Feb 2, 2020
KZ Tandingan on wedding to fiancé TJ Monterde: "Medyo nag-isip na kami kung sinu-sino ang i-invite namin, kung saan kami magpapakasal, but definitely, this year sana kasal na kami. Definitely din dito sa Pilipinas."
PHOTO/S: @TJMUSICMONTERDE on Instagram

Noong December 30, 2019 pormal na nag-propose si TJ Monterde sa kanyang kasintahang si KZ Tandingan pagkatapos ng halos apat na taon nilang relasyon.

Noong December 31, nag-post si TJ sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni KZ kunsaan suot ng singer ang kanilang engagement ring.

May caption itong "and Thank You God, for my wife to be."

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KZ noong January 28 sa NCCA Building sa Intramuros, Manila, tinanong ang singer kung may detalye na ba siyang maibabahagi tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kanyang fiancé.

Saad niya, "Medyo nag-isip na kami kung sinu-sino ang i-invite namin, kung saan kami magpapakasal.

"But definitely, this year sana kasal na kami. Definitely din dito sa Pilipinas."

Bilang isang kilalang singer/composer at fashionista, tinanong si KZ kung siya ba ang magde-design ng sarili niyang wedding gown at kung magku-compose din sila ni TJ ng sarili nilang wedding song.

Aniya, "Kailangan niyong abangan iyan. Pinag-iisipan ko pa in a normal day, pag di ako performer, very basic.

"Naka-T shirt lang ako palagi.

"Pero pag KZ na performer, dun ako nagbibihis talaga. Di natin alam, tingnan natin.

"Actually, may nagawa na ako, pero iniisip namin kung gagawa kami ng bagong song for the wedding."

Ikiinuwento rin sa amin ni KZ kung paano at saan nag-propose sa kanya si TJ.

Continue reading below ↓

Lingid sa kaalaman ni TJ, siya rin pala ay may plano ring mag-propose sa mapapangasawa.

Kuwento ni KZ, "Nag-propose siya nung 30th birthday niya in front of our closest families and friends.

"Siyempre nagulat ako pero nag-e-expect ako siyempre.

"'Tapos, nag-propose din ako sa kanya. May singsing din ako na di niya alam.

"After niyang lumuhod, lumuhod din ako. Plan B."

SECOND YEAR AS NCCA AMBASSADOR

Kinuha muli si KZ bilang Music ambassador ng NCCA, kasama ang newly appointed music ambassador na si Julie Anne San Jose.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray naman ay in-appoint bilang ambassador for arts.

Labis na nagpapasalamat si KZ sa tiwalang ipinagkaloob muli sa kanya ng NCCA sa pangalawang pagkakataon.

Pagpapasalamat niya, "Super thankful kasi madami ang naging bunga nung unang year and I'm thankful na ito yung naging bunga what we started.

"May mga bago pang programa na gagawin. Masarap sa pakiramdam you were given this platform para maka-influence ng mga kabataan na mas mahalin pa ang kultura natin.

Continue reading below ↓

"Masaya kasi maraming mga artists na puwede nilang piliin, pero ako yung napili nila.

"I did not take it lightly, when it was first offered to me. Ang laking responsibilidad nito. I'm just really thankful and excited na mas ma-promote pa ang arts and culture."

Sa kabila ng kanyang hectic na schedule, nagawa pa rin ni KZ na mag-ikot sa iba't ibang probinsya para i-promote ang NCCA Art Month nung nakaraang taon.

Kuwento niya, "Nag-ikot kami, pumunta kami for the trade launch ng National Artist Month.

"Nagpunta kami ng Bacolod, nag-perform kami dun, na-meet namin yung ibang mga artists. This year, we are hoping na marami kaming maikutan, basta walang conflict sa trabaho."

PRICELESS ADVOCACY

Natanong din si KZ kung may nakukuha ba silang suweldo as NCCA Ambassador at dito namin nalaman na para sa pagmamahal lang sa sining at kultura ang lahat.

"Di kayang tapatan ng salapi ang platform na ganito. Kahit di man siguro ako naging Ambassador ng NCCA, feeling ko as an artist kahit papaano nakikita sa television nakakapag-perform kung saan-saan.

Continue reading below ↓

"I think it's my responsibilty na i-promote ang ating kultura, di lang sa Pilipinas kungdi sa buong mundo."

PRAYERS FOR YENG

Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni KZ si Yeng Constantino, na nasangkot sa kontrobersya dahil sa kanyang doctor-shaming vlog na lumabas sa social media noong July 2019, kaugnay ng aksidenteng kinasangkutan ng kanyang asawang si Yan Asuncion sa Siargao.

Maraming netizens ang nagsabing hindi makatarungan ang ginawang public shaming ni Yeng sa doktora at sa hospital, na ginawa lahat ang kanilang makakaya upang mabigyan agad ng ukol na atensyon ang kanyang asawa, sa kabila ng paghingi ng dispensa ng ilang tao, kabilang na ang Surigao del Norte First District congressman ukol sa aksidente.

Kalaunan ay humingi rin ng apology si Yeng sa mga kinauukulan at sa mga taga-Siargao, at tuluyan na rin niyang binura ang kanyang controversial social media posts.

Sa kabila ng pinagdaanan ng kanyang kaibigan, nakiusap naman si KZ sa mga bashers ni Yeng.

Continue reading below ↓

Lahad niya, "Ate Yeng, I always pray for her kasi I can't ever say anything on her behalf kasi di ko pinagdaanan yung pinagdaanan niya.

"Kung may kaunti akong alam, it doesn't count kasi wala ako dun, di ko na-experience. Basta I just pray everything will be okay soon.

"Wala namang may gusto nun na ganun yung nangyari. Parang sa lahat naman yata ng tao, ang importante yung lesson na kailangan nilang ma-learn. Sana tama na kasi inaayos na."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KZ Tandingan on wedding to fiancé TJ Monterde: "Medyo nag-isip na kami kung sinu-sino ang i-invite namin, kung saan kami magpapakasal, but definitely, this year sana kasal na kami. Definitely din dito sa Pilipinas."
PHOTO/S: @TJMUSICMONTERDE on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results