Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sofia Pablo celebrates 1 million TikTok followers with dance video

by Ruel J. Mendoza
Feb 2, 2020
Despite being busy with her showbiz career, Sofia Pablo still finds time to study, and of course, do some TikTok videos.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pumalo na sa 1 million ang followers ng Kapuso teen star na si Sofia Pablo sa social media music app na TikTok. Ipinagdiwang niya ito sa pamamagitan ng isang dance video.

Ang TikTok ay isang video-sharing social networking service na nagpi-feature short lip-sync, comedy, and talent videos.

Continue reading below ↓

Sa interview kay Sofia sa “Chika Minute” segment ng 24 Oras, nagpasalamat siya sa mga nag-follow sa kanya sa TikTok, lalo na ang naging fans nila ni Jillian Ward at Althea Ablan sa pinagbibidahang top-rating afternoon teleserye ng GMA-7 na Prima Donnas.

"Sobrang saya ko po dahil patuloy pong dumadami yung natutuwa po sa mga TikTok ko,” tukoy ni Sofia sa kanyang TikTok videos.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Gagawin ko po yung inspirasyon para gumawa pa po ng mas marami pa pong TikTok. Para po sa kanila iyun. Sana, mas mapasaya ko pa po sila," paghahandog pa ni Sofia sa kanyang followers.

Pinost din ng 13-taong-gulang na aktres ang ginawa niyang dance video sa Instagram at malapit na itong makakuha ng 100,000 views.

"Happy 1M on @tiktok_philippines " caption pa ni Sofia.

Continue reading below ↓

Nung nakaraang taon pa nasa list of standout Filipino celebrities si Sofia ng TikTok app dahil umabot na sa 3 million likes ang kanyang mga pino-post na videos.

Kasama ni Sofia sa standout celebrities list ng TikTok sina: Steph Robles, Jodi Sta. Maria, Andrea Brillantes, Liza Soberano, Inigo Pascual, Donnalyn Bartolome, Patrick Quiroz, at AC Bonifacio.

PRIMA DONNAS IS EXTENDED

Consistent naman ang mataas na ratings ng Prima Donnas at napapanood na sila hanggang Sabado umpisa kahapon, Pebrero 1.

At extended pa nang ilang weeks ang naturang teleserye.

Masaya si Sofia sa magagandang feedback na natatanggap nila mula sa televiewers na karamihan ay mga kasing-edad nila.

Magagandang aral sa buhay ang parati nilang pinapakita sa Prima Donnas.

"Katulad po ng tatlong magkapatid, huwag po kayong sumuko sa mga gusto ninyo. Kung gusto ninyo talaga huwag ninyo pong susukuan ano pa mang pagsubok ang dumating," saad ni Sofia.

Isa sa sine-set na example ni Sofia sa mga kabataan ay ang huwag pabayaan ang kanilang pag-aaral.

Continue reading below ↓

Kahit busy siya sa showbiz career, priority pa rin niya ang pag-aaral.

Dinadala ni Sofia sa taping ang kanyang homework at kapag breaktime, ito ang kanyang hinaharap habang hindi pa sila tinatawag sa set.

"Kahit nag-artista ka, iba pa rin yung nakapagtapos ka ng pag-aaral, and yun din po kasi talaga ang pangarap ng mom and dad ko sa akin, ang makapagtapos po ako.

"Huwag ninyo po susukuan ang pag-aaral ninyo. Minsan mahirap, siyempre huwag ninyo pong bibitawan, kasi, napakahalaga rin ng may pinag-aralan."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being busy with her showbiz career, Sofia Pablo still finds time to study, and of course, do some TikTok videos.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results