Xian Lim, Cristine Reyes on what made them more open now to the press

by Glenn Regondola
Feb 2, 2020
Xian Lim (left) and Cristine Reyes both claim they have changed for the better. Xian says he's now "okay" with an entertainment reporter who used to hate him, while Cristine says she does not walk out of interviews anymore.
PHOTO/S: @viva_films Instagram

Kilalang mailap sa press noon sina Xian Lim at Cristine Reyes.

Iwas sa mga tanong na may kinalaman sa kanilang personal na buhay.

Pero unti-unti, marami ang nakakapansin na tila pareho na silang nagiging bukas sa kanilang saloobin at lagi na ring nakangiti kapag kaharap ang mga manunulat.

Sa mediacon ng pelikulang UnTrue na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Quezon City noong January 30, isa sa mga natanong sa kanila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Rey Pumaloy ay ang dahilan ng kanilang mas bukas na pakikiharap sa press at bloggers.

Si Xian ang unang nagbigay ng sagot.

“Siguro, over time din naman po, lahat naman, we get a better understanding as we grow as artists.

“Lumalawak po yung circle ko. Like ako, gusto kong magsulat, gusto kong magdirek. Gusto kong makagawa ng mga pelikulang co-produced ko.

“It’s really… ang laking tulong lang po na nakakausap ko kayo.

Continue reading below ↓

“Over time… Especially, like Mama Leo, galit na galit sa akin dati si Mama Leo, ngayon okey na kami,” banggit pa ni Xian sa showbiz reporter na si Leo Bukas.

“So, I think, over time kasi, at first, nakakakaba, and even now nakakakaba talaga, lalo na’t in a year, ilang beses lang ba tayo magkita?

“So, yung pakikisama sa tao, mas naggu-grow,” paliwanag pa ni Xian tungkol sa relasyon niya ngayon sa entertainment press.

Sagot naman ni Cristine, “Siguro over time… magti-thirty one na ako.

“Nung mga time na nakilala niyo ako na feisty and all, I was fourteen, fifteen… teenager.

“You can’t really blame me for those days na hindi ko ma-control ang emotions ko.

“So over time, natututo ka rin to fix yourself, na hindi naman lahat ng bagay ay kailangang lalabanan mo.

“Basta ang kailangan is to try to become a good person when it comes to myself, to other people, to work.

Continue reading below ↓

“I’m really trying.”

Dugtong pa ng Viva actress, “Siguro dun pumapasok yung naiintindihan mo na yung pinasok mong trabaho.

“Kasi nung nagsisimula ako, honestly, totoo na wala akong pakialam noon.

“’A, ayoko ngang sagutin yan!’ ‘Di ko nga gustong sagutin yan.’ ‘Bakit sino ka ba para magtanong ?’ Gano’n ako, e… Dati.

“Ngayon, mas malawak na ang pagkakaintindi ko sa pinasok kong trabaho, at kasama yun.

“Ngayon, mas masasabi ko na mas nakakaharap na ako nang maayos.

“Hindi na ako padalus-dalos, hindi na ako nagwu-walk out.

“Ngayon, mas appreciative na ako na nandito na ulit ako.

“Mas na-appreciate ko kung ano meron ako, di katulad nung dati.”

Bida sa drama-thriller na UnTrue sina Xian at Cristine. Ito ay mula sa direksiyon ni Sigfrid Andrea Bernardo mula sa Viva Films at IdeaFirst Company Production.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim (left) and Cristine Reyes both claim they have changed for the better. Xian says he's now "okay" with an entertainment reporter who used to hate him, while Cristine says she does not walk out of interviews anymore.
PHOTO/S: @viva_films Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results