Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Is Kapuso actress Kate Valdez a deadringer for Liza Soberano?

by Rommel Gonzales
Feb 2, 2020
Kapuso actress Kate Valdez (left) on being called a lookalike of Kapamilya star Liza Soberano (right): “Ako po, masaya ako dahil nakikita nila sa akin si Ms. Liza Soberano, pero mas gusto ko po sigurong ihiwalay yung sarili ko, dahil iba nga po ako sa kanya."
PHOTO/S: Instagram

Anong nararamdaman ni Kate Valdez kapag sinasabi ng iba na siya ang Liza Soberano ng GMA-7?

Pahayag ni Kate, “Ako po, masaya ako dahil nakikita nila sa akin si Ms. Liza Soberano, pero mas gusto ko po sigurong ihiwalay yung sarili ko, dahil iba nga po ako sa kanya, baka kasi isipin na…

"Si Kate po ako.”

Hindi naman niya inisip na baka maakusahan siyang ginagamit ang Kapamilya actress na kinikilalang No. 1 celebrity endorser sa bansa ngayon.

Ani Kate, “Hindi naman po siguro, siguro nakikita lang nila sa akin si Liza Soberano.”

Hindi pa nga raw niya nakikilala nang personal si Liza.

Sino naman ang gusto niyang maging Enrique Gil sa buhay niya?

Sina Liza at Enrique ay real at reel-life partners, na pamoso bilang LizQuen.

Balik-tanong ni Kate, “Sino ba? Ako very open naman po ako kung sino i-partner sa akin, so let’s see po kung ano ang ibigay sa akin ng network, kung sino ang i-partner sa akin."

Continue reading below ↓

NO LONGER INTIMIDATED BY MS. D

Aminado si Kate Valdez na na-intimidate siya kay Dina Bonnevie na co-star niya sa umeereng serye sa GMA-7, ang Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.

Pag-amin niya, “Nung una po, sa storycon.

"Pero nung nakilala ko na po siya, and naipakilala ko na yung sarili ko, sobrang approachable ni Ms. D.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Sobrang layo po sa mga sinasabi nila na mataray, hindi po totoo ‘yun.”

Nakakapanood daw siya ng mga pelikula ni Dina.

Pero hindi raw napanood ni Kate ang 1984 film version ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday nina Maricel Soriano at Snooky Serna.

Lahad niya, “Hinanap ko po siya sa YouTube and sa internet, pero ang nakikita ko lang, puro photos at yung mga clips. Very comedy po siya.

"Actually, in-advise po kami na huwag panoorin kasi baka maano namin, ‘Ay, dapat ganito gawin namin.’ Kasi this is different nga po.”

Continue reading below ↓

Pero alam kaya ni Kate na ang papel niya ngayon sa serye ay ginampanan noon ni Snooky, na ngayon AY nasa serye rin bilang ina ni Barbie Forteza?

Aniya, “Hindi po, pero nung inano nga po sa amin na dapat… yun nga, bilang Ilokana, medyo nakakakaba po, kasi when it comes to language, ganyan.”

Nag-aral ba siya ng Ilocano?

“Opo, nag-ano pa kami ng workshop.”

Humingi ba siya ng tips kay Snooky?

Tugon niya, “Opo, pero kasi po si Ms. Dina is very fluent naman sa… so mas more on sa kanya ako nagtatanong. Pero meron din naman po nag-ga-guide sa amin sa set kapag kailangan sa line.”

Hindi pa rin daw siya masyadong matatas mag-Ilokano.

“Nasa process pa rin po ako,” sabi pa ni Kate na isang Caviteña.

Banggit din namin kay Kate, pareho sila ni Marian Rivera, na tulad ni Kate ay magandang mestizang Caviteña.

“Hahaha! Thank you po,” ngiti niya.

Continue reading below ↓

Bida si Kate (Caitlyn) at Barbie (Ginalyn) sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na pinagbibidahan din nina Snooky (Amy) at Dina (Sussie).

Naroon din sina Jay Manalo (Joaquin), Migo Adecer (Cocoy), Teresa Loyzaga (Dorcas), Jean Saburit (Vanessa), Tanya Montenegro (Glenda), Benedict Cua (Benny), at Faith da Silva (Agatha).

Si Celia Rodriguez ay gumaganap bilang Zenaida.

Sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, napapanood ito pagkatapos ng 24 Oras, ang primetime news program ng Kapuso channel.

LOVE MATTERS

Sa serye ba nila ay pag-aagawan nila ni Barbie si Migo?

Pakli ni Kate, “Opo, love triangle po kami.”

Sa tunay na buhay ay hindi pa naranasan ni Kate na mag-agawan sila ng isang kaibigan sa isang lalaki.

Hindi pa rin nai-in love sa tunay na buhay ang 19-year-old.

Pag-amin ni Kate, “Hindi pa naman po, pero crush lang, kasi natural naman ‘yun, pero in love? I guess iba na kasi yun e.”

Continue reading below ↓

May nangyari na ba na dalawang boys na-in love pareho sa kanya?

Natatawa niyang hirit, “Masyado namang mahaba hair ko nun! Wala pa naman po.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kate Valdez (left) on being called a lookalike of Kapamilya star Liza Soberano (right): “Ako po, masaya ako dahil nakikita nila sa akin si Ms. Liza Soberano, pero mas gusto ko po sigurong ihiwalay yung sarili ko, dahil iba nga po ako sa kanya."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results