Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Tom Rodriguez reflects on Kobe Bryant's untimely passing

by Rommel Gonzales
Feb 2, 2020
Kapuso actor Tom Rodriguez (left) reflects on lessons learned from basketball superstar Kobe Bryant's untimely passing: "Nakita din natin yung lesson na kailangan din natin talaga i-cherish yung buhay natin habang nandito. Hindi yung ipagpabukas na, hindi yung magpapa-pressure tayo sa mga kung ano mang mga problema or struggles na nararanasan natin, dahil parte talaga yun ng buhay."
PHOTO/S: @akosimangtomas / @kobebryant on Instagram

Pinag-uusapan pa rin sa buong mundo ang biglaang pagpanaw ng basketball superstar na si Kobe Bryant noong nakaraang Linggo, January 26.

Kasama ni Kobe ang kanyang anak na babae na si Gianna at pito pang pasahero sa helicopter na nag-crash sa Calabasas, California.

Tinanong namin si Tom Rodriguez tungkol dito noong nakapanayam namin siya sa presscon ng Love of My Life na ginanap noong nakaraang Martes, January 28, sa 17th floor ng GMA Network.

Although hindi siya basketball fan, naapektuhan din daw si Tom sa malagim na sinapit ni Kobe at iba pang mga kasama nito sa helicopter crash.

Lahad niya, “Hindi, e. Never.

"Iba sports ko. Boxing talaga ako, although marami akong kaibigan na basketball fans and ang masasabi ko lang is Kobe Bryant is such a personality na nag-transcend…

"Unang-una, in-elevate niya yung sport niya at na-transcend niya yung sport niya na yun.

“Na kahit yung mga hindi man fan ng basketball o hindi man parte ng mundong yun, naapektuhan din sa pagkawala niya, lalo na yung anak niya—si Gigi—kung makita mo yung potensiyal ng naudlot na buhay.

Continue reading below ↓

“Pero minsan ganun, e. Hindi natin… ganun din iyung pinagdaanan ko sa tatay ko.”

RECALLING DAD'S DEATH

Noong March 25, 2017 pumanaw ang ama ni Tom na si William Albert "Bill" Mott Sr. dahil sa sakit na lung cancer.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pagbabalik-tanaw niya, “Ang dami kong tanong. 'Bakit, bakit ganito?'

“Si Carla [Abellana] ang nagsabi na, 'Have faith. May rason ‘to, hindi man natin alam kung ano.'

“So kahit siya [Kobe]… masakit yung nangyari sa kanya lalo na sa pamilya, pero alam ko ngayon na may rason din yun, at baka iyung rason na yun ay ipaalala sa ating lahat kung ano yung inspirasyon na iniwan niya—yung work ethic niya, yung dedikasyon niya sa sport niya, maliban dun yung pag-retire niya kung paano in-elevate…

"Na-share yung blessings niya sa sport and teaching it to his daughter, coaching the teams, showing an example of a great father, and that way, nakita din natin yung lesson na kailangan din natin talaga i-cherish yung buhay natin habang nandito.

Continue reading below ↓

“Hindi yung ipagpabukas na, hindi yung magpapa-pressure tayo sa mga kung ano mang mga problema or struggles na nararanasan natin, dahil parte talaga yun ng buhay.

“Isa yun sa tumalo sa akin dati, nung nalampasan ko yung kay Daddy 'tapos nalaman ko yung sa brother-in-law ko.”

Makaraang pumanaw ang ama ni Tom last year ay na-diagnose naman ang bayaw niya (na malapit na malapit kay Tom) na may kanser din.

Patuloy niya, “Sabi ko, akala ko 'tapos na ‘to, e. Eto na naman?

"Nalampasan ko na ‘to, dapat hindi na ‘to mangyayari sa akin uli. Mali pala yung mentality ko na yun.”

FINDING A KINDRED SPIRIT

Bahagi ng buhay ng kahit na sino ang malulungkot na pangyayari.

Patuloy niyang kuwento, “Tingnan mo ngayon. Si Benjamin Alves is a very good friend of mine. Sinend niya sa akin yung video ni Lebron James.

"Ang sarap na yung pagkakaibigan nila ni Kobe Bryant, imbes na hinayaan nilang maudlot yung purpose nila in life, mas lalo nilang ginawang fuel.

Continue reading below ↓

“Yun dapat ang ginawa ko sa mga kalamidad na nangyari sa buhay ko. Iyon yung lesson ngayon, and I think with Kobe Bryant, yun din ang impact niya—to keep moving forward no matter what happens in life.”

Pareho sila ni Benjamin na nawalan ng ama. October 2018 naman noong pumanaw ang ama ni Benjamin dahil sa atake sa puso.

“Yeah, and siya nasa taping. Mas masakit yung nangyari sa kanya.

"And I’m very lucky na I was one of the people that he called first, so nasa airport siya nun pabalik ng Guam, and until then, I wouldn’t be able to go through with what happened to me and my dad kung wala si Carla at wala si Benjamin...

"And I’m glad in a way that he shares what he learned din from what happened to him. He’s been a very good friend,” pagmamalaki ni Tom.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Tom Rodriguez (left) reflects on lessons learned from basketball superstar Kobe Bryant's untimely passing: "Nakita din natin yung lesson na kailangan din natin talaga i-cherish yung buhay natin habang nandito. Hindi yung ipagpabukas na, hindi yung magpapa-pressure tayo sa mga kung ano mang mga problema or struggles na nararanasan natin, dahil parte talaga yun ng buhay."
PHOTO/S: @akosimangtomas / @kobebryant on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results