Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rayver, Rodjun Cruz slam netizen disrespecting their mom's death anniversary

by Rachelle Siazon
Feb 3, 2020
Rayver, Rodjun Cruz respond to netizen posting an offensive comment against their late mom Beth Cruz.
PHOTO/S: @rayvercruz / @rodjuncruz Instagram

Ikinainis nina Rayver at Rodjun Cruz ang kawalan ng respeto ng isang netizen sa gitna ng paggunita ng magkapatid sa pagpanaw ng kanilang inang si Melody "Beth" Cruz.

Ngayong Martes, February 2, ang first death anniversary ni Beth.

Pumanaw si Beth dahil sa sakit na pancreatic cancer noong 2019.

Kaugnay nito, nag-post si Rayver ng throwback picture nila ng kanyang ina na kuha sa isang beach.

"1 year in heaven with our lord God I miss you every single day my Queen," saad ni Rayver sa caption ng kanyang post.

Naalala rin ni Rayver ang NBA legend na si Kobe Bryant na pumanaw noong January 26, 2020 (U.S. time).

Marahil ay nagkita raw ang kanyang ina at iniidolong basketball player sa langit.

"Say hi to kobe for me mama sabihin mo super idol ko sya hehe [hearts emoji] I love you so much!!! Always and forever," ani Rayver.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa comments section, isang netizen ang kumontra sa mensahe ni Rayver patungkol sa ina at kay Kobe.

"How sure po kung sa heaven ang punta," hirit ng netizen na may kasamang laughing with tears emojis.

Hindi nagustuhan ni Rayver, 30, ang pagkuwestiyon ng netizen sa pananahimik ng mga yumao na.

Continue reading below ↓

Sabi ni Rayver (published as is): "kung Wala ka maganda sasabihin wag na mag comment kupal"


Ang nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun, 32, ay hindi rin pinalampas ang pambabastos ng netizen.

Mensahe ni Rodjun (published as is): "Mukhang hindi Ka na guide at napalaki ng Magulang mo ng Maayos. bastos mong magsalita at walang Respeto. Wala kang Paniniwala kay Lord.

Continue reading below ↓

"Pag sinabi mo yun sa harapan namin ako Mismo mag lalagay sayo sa Hukay [muscle and fist emojis]

"Block mo at Delete ang Bastos na Ito @rayvercruz!"


Nainis din si Dianne Medina, 33, sa hindi magandang pananalita ng netizen.

Si Dianne, asawa ni Rodjun, ay malapit din kay Beth noong panahong nabubuhay pa ang huli.

Continue reading below ↓

Komento ni Dianne laban sa netizen (published as is): "Ikaw ngayon palang sinusunog na kaluluwa mo! Bastos ka."

May iba ring netizens ang naghayag ng positibong mensahe sa magkapatid na Rayver at Rodjun.

Naniniwala raw ang mga itong nasa mabuting kamay na ang ina ng Kapuso actors.

Sabi pa ng ilang netizens, huwag na lang pansinin nina Rayver at Rodjun ang walang saysay na komento ng isang "bastos" na netizen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver, Rodjun Cruz respond to netizen posting an offensive comment against their late mom Beth Cruz.
PHOTO/S: @rayvercruz / @rodjuncruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results