Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ruffa Gutierrez still in touch with John Lloyd Cruz; wants to get to know Ellen Adarna

by Arniel C. Serato
Feb 3, 2020
Ruffa Gutierrez (left) admits interest in getting to know Ellen Adarna (right). She explains, "Gusto ko malaman ang kuwento sa buhay niya, kasi parang prangka siya." Ruffa and Ellen are both ex-girlfriends of actor John Lloyd Cruz (center).
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag / @johnlloydcruztm / @maria.elena.adarna on Instagram

Ayon kay Ruffa Gutierrez, “nineteen kopong-kopong” pa ang naging relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Ito ang dahilan kaya ayaw niyang magkomento sa challenge ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice (GGV) ng kung ano ang kanyang ipapagawa sa aktor sakaling ma-trap sila sa isang elevator.

Sa segment na “Sagot o Lagot” ng GGV kagabi, February 2, sinabi ni Ruffa na civil ang relasyon nila ng dating nobyo.

Continue reading below ↓

“Ano naman, 'Hi, hello.' I see him naman, okay siya,” sabi ng 45-year-old actress.

Naka-save daw sa cellphone ni Ruffa ang numero ni John Lloyd, 36, at ganun din ang aktor.

Nagti-text ba sila sa isa’t isa?

Tugon ni Ruffa, “Once a year. ‘Hello’ lang, ‘Merry Christmas.’”

Sino ang nagti-text kanino?

“Minsan siya, minsan ako.

"Siyempre pag nagti-text siya, sasagot ako.

"Kung mag-text ako, sasagot naman siya.

“Pero ano lang ito, friendly,” paglilinaw ni Ruffa.

May karelasyon si Ruffa ngayon, ang French-Israeli na si Jordan Mouyal.

Okay lang ba sa nobyo niyang sumasagot pa rin siya sa text ng ex-boyfriend?

Sagot ng aktres, “As long as walang malisya.

“Kasi yung... mahirap naman kasi na may partner ka na seloso, na lahat na lang, kada text ng kung sino, nagagalit.

“So, as long as loyal ka at mag-happy birthday lang naman o Merry Christmas, I think it’s okay.

“Oo naman, di ba? Life is short, may pinagsamahan naman kami. ‘Hi,’ ‘Hello,’ How are you?’”

Continue reading below ↓

Halos isang taon din ang itinagal ng relasyon nina Ruffa at John Lloyd.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong March 2009, at naghiwalay sila Pebrero ng sumunod na taon.

Nagkakilala sila sa set ng ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea (2018).

Maganda ba ang naging samahan nila ni John Lloyd noon?

“Maganda naman. Ano, friend, friendly,” tugon ni Ruffa.

JOHN LLOYD CRUZ'S EX-GIRLFRIENDS

Sa isa pang hamon ni Vice, tinanong niya si Ruffa: Kung sakaling dalawa na lamang ang available slots sa kanyang Facebook friends at mag-friend request sina Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, at Ellen Adarna, sinu-sino sa tatlo ang maari niyang i-accept?

Sabat ni Ruffa, “Parang may common denominator yung three girls, ‘no?”

Tugon ni Vice, “Kayong four.”

Natatawang sagot ni Ruffa, “Four ba? Kasama ba ako diyan?”

Pare-parehong naging karelasyon ni John Lloyd sina Angelica, Shaina, Ellen, at Ruffa.

Kasunod nito ay nagpaliwanag si Ruffa kung sino ang kanyang ia-accept.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Si Ellen Adarna, kasi parang she’s frank.

“Gusto ko malaman ang kuwento sa buhay niya.

"Kasi parang prangka siya, and then parang fun siyang kasama.

"So, gusto ko siyang interviewhin or gusto ko siyang maging friend.”

Naghiwalay sina John Lloyd at Ellen noong Hunyo 2019.

Samantala, sa pagitan naman nina Angelica at Shaina, ang una raw ang kanyang tatanggapin.

Paliwanag ni Ruffa, “Hindi ko mai-accept si Shaina, kasi friend ko na siya sa Facebook.

“So, si Angelica ang ipi-friend ko.

“Si Angelica, fun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez (left) admits interest in getting to know Ellen Adarna (right). She explains, "Gusto ko malaman ang kuwento sa buhay niya, kasi parang prangka siya." Ruffa and Ellen are both ex-girlfriends of actor John Lloyd Cruz (center).
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag / @johnlloydcruztm / @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results