Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Former QC Mayor Herbert Bautista faces plunder complaint before Ombudsman

by Arniel C. Serato
Feb 3, 2020
Former Quezon City Mayor Herbert Bautista and four others are facing a plunder complaint before the Office of the Ombudsman for allegedly conspiring "to illegally release public funds to disburse" during his incumbency as the city's chief executive.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nahaharap ngayon sa reklamong plunder sa Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Si Bautista, 51, ay naging mayor ng Quezon City mula taong 2010 hanggang 2019.

Ayon sa eksklusibong ulat ng The Manila Times ngayong araw, February 3, bukod kay Bautista, kasama ring sinampahan ng reklamo sina dating city administrator Aldrin Cuña, Reynald Paul Imjada, Nolasco Fernandez, at Christopher Gerard Ledesma.

Si Fernandez ang presidente at chief executive officer ng Green Energy Container Solutions Inc. (GECSI), samantalang si Ledesma naman ang representante ng nasabing kumpanya.

Nag-ugat ang reklamong plunder sa ilegal na pagpapalabas diumano ng pondong nagkakahalaga ng P263-M.

Nakasaad sa reklamo: “Considering the amount illegally disbursed, equaling P263,996,121.16, the respondents are… guilty of plunder as defined under Section 2 of Republic Act (RA) 7080 (Plunder Law)."

Ang nagsampa ng reklamo ay si Noel Emmanuel Gascon bilang kinatawan ng Pamalahaang Lungsod ng Quezon.

Continue reading below ↓

Si Gascon ang internal auditor ng Internal Audit Service ng QC government.

Siya ang nag-audit ng QC Smart City Data Infrastructure project.

Layunin ng proyekto na magkaroon ng citywide broadband network upang mabigyan ng libreng internet ang mga residente ng lungsod.

THE COMPLAINT

Ayon sa reklamo, noong July 15, 2017 ay naglabas ng purchase request ang siyudad para sa P318-M na pondo ng proyekto.

Ang pumirma raw sa purchase request ay si City Administrator Cuña (bilang requesting party) at si Mayor Bautista.

Nakalagay pa sa reklamo na ang nag-iisang bidder sa proyekto ay ang GECSI, na may total bid na P317,257,644.

Sumunod ay iminungkahi raw ng Bids and Awards Committee for Goods na igawad sa GECSI ang proyekto noong June 11, 2018.

Isang obligation request daw ang inilabas noong June 14, 2018, kung saan ang requesting party ay si Imjada.

Ang Notice of Award, na pirmado ng dating alkalde, ay inilabas daw noong June 19, 2018, kung saan ang GECSI ang nagawaran ng proyekto.

Continue reading below ↓

Noong June 29, 2018, pumirma umano ang dating mayor sa Supply and Delivery Aggreement sa nasabing kumpanya.

Sabi ng nagrereklamong si Gascon, inilabas ni Bautista ang 90 percent ng pondo para sa proyekto, kahit wala namang nai-deliver na proyekto ang GECSI.

Dagdag pa niya, malinaw raw na nagsabwatan si Bautista at ang iba pang inirereklamo upang mailabas ang pondo.

Dahil lagpas sa P50-M ang proyekto, pasok sa plunder ang diumano’y katiwaliang ito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista kaugnay ng akusasyon laban sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Quezon City Mayor Herbert Bautista and four others are facing a plunder complaint before the Office of the Ombudsman for allegedly conspiring "to illegally release public funds to disburse" during his incumbency as the city's chief executive.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results