Coney Reyes comments on real score between Mayor Vico Sotto, Gretchen Ho; prays for son’s love life

Feb 3, 2020
Coney Reyes on rumor linking son Pasig Mayor Vico Sotto to Gretchen Ho: “Kasi alam ko kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kailangang magtanong. Mga anak ko, magsasabi yun. Pag walang sinasabi, e, di wala.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kung totoong may espesyal na namamagitan kay Pasig City Mayor Vico Sotto at sa TV host na si Gretchen Ho, tiyak na ang ina ng alkalde na si Coney Reyes ang unang makakaalam nito.

Ito, ayon kay Coney, ay dahil kusang nagkukuwento sa kanya ang anak sa mga nangyayari sa buhay nito.

Hindi na raw niya kailangang magtanong, ayon sa 65-anyos na aktres.

At hindi rin naman daw si Coney yung tipong nag-uusisa sa kanyang mga anak.

“Kasi hindi ako tsismosa!” natatawang sinabi ni Coney sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at pang reporters na dumalo sa mediacon ng bagong Kapuso teleserye niyang Love of My Life.

Ginanap ang mediacon nitong Martes, January 28, sa GMA Network Center sa Quezon City.

“Kasi alam ko kung meron talaga, sasabihin ng anak ko,” sabi ni Coney.

“Hindi ko kailangang magtanong.

“Mga anak ko, magsasabi yun.

“Pag walang sinasabi, e, di wala.”

Pero inamin ni Coney na laging kasama sa kanyang mga dasal ang 30-anyos na alkalde.

Continue reading below ↓

“Dinadaan ko lahat sa prayers, kasi matanda na rin siya.

“I mean, he’s 30. I can’t follow him around.”

Isang entertainment reporter ang nagtanong kung ipinagdadasal din ba ni Coney ang love life ni Mayor Vico.

“Siyempre. Lahat 'yan pinagpe-pray!” natawang sagot ni Coney.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“We don’t have to be anxious about anything.

“I’m not anxious about that because I know that God is preparing him and preparing somebody.

“Ang sinasabi ko lang is protect and preserve the person, and kailangan yung gusto ni Lord para sa kanya talaga.”

NETIZENS SHIPPING MAYOR VICO AND GRETCHEN

Hiningan ng komento ang beteranang aktres kaugnay ng pagkalat sa social media ng video at mga litrato nina Mayor Vico at Gretchen habang magkatabing nanonood ng 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) women’s volleyball opening match sa PhilSports Arena sa Pasig, noong December 3.

Continue reading below ↓

Kino-cover noon ni Gretchen ang event para sa ABS-CBN.

Dati ring miyembro ng Ateneo Lady Eagles volleyball team ang 29-anyos na TV host.

Samantalang, sa Ateneo de Manila University din nagtapos ng Political Science si Mayor Vico.

Umani ng reaksiyon mula sa netizens ang naturang video at mga litrato nina Mayor Vico at Gretchen.

Karamihan ay tinutukso at pinagma-match ang dalawa—na parehong single ngayon.

Pero kapwa hindi nag-react sina Mayor Vico at Gretchen sa pilit na pagsi-ship sa kanila ng netizens.

VIC: “I DON’T THINK HE HAS TIME

Una nang pinabulaanan ni Vic Sotto, ama ni Mayor Vico, na mayroong namamagitan sa anak at kay Gretchen.

“I don’t think so. Malalaman ko personal kapag merong confirmation,” sinabi ni Vic sa isang TV interview noong December 16.

Dagdag ng Eat Bulaga veteran: “I don't think he has time. Wala siyang panahon.

“Bising-busy talaga. Marami siyang inaayos sa Pasig.”

FUTURE PRESIDENT?

Sa panayam kay Coney sa mediacon ng Love of My Life, hiningan din siya ng reaksiyon sa sinasabi ng maraming netizens na qualified na si Mayor Vico para mamuno sa bansa bilang presidente.

Continue reading below ↓

Sagot ni Coney: “Dito na muna tayo. Mayor muna.

“One day at a time.

“Ang dami pang trabahong kailangang gawin.

“Masyado pang malayo yun.

“Unang-una sa edad, hindi pa siya qualified.

“Ang dami pang kailangang gawin sa Pasig.

“Tapusin muna natin yung mga kailangang gawin dito.”

Ayon sa Section 2 ng Article VII ng 1987 Constitution, ang kakandidatong pangulo ng bansa ay dapat na “at least forty years of age on the day of the election.”

Thirty years old ngayon si Mayor Vico, at tutuntong pa lang sa 33 anyos sa susunod na presidential elections sa May 2022.

Paglilinaw pa ni Coney, hindi si Mayor Vico ang tipong iniisip na sa ngayon ang malayong hinaharap.

“Hindi kasi ganun yung anak ko, e.

“Hindi siya yung nag-iisip na ng ganun.

“He’s taking one day at a time.

“He doesn’t want to think too far,” sabi pa ni Coney.

Nagsimula nang mapanood sa GMA Telebabad ang Love of My Life ngayong Lunes ng gabi, February 3.

Continue reading below ↓

Bukod kay Coney, bida rin sa pinakabagong Kapuso teleserye sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at Rhian Ramos.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coney Reyes on rumor linking son Pasig Mayor Vico Sotto to Gretchen Ho: “Kasi alam ko kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kailangang magtanong. Mga anak ko, magsasabi yun. Pag walang sinasabi, e, di wala.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results