Migo Adecer reflects on 2019: "Full of experiences and lessons na sobrang malala, sobra!"

by Rommel Gonzales
Feb 4, 2020
Migo Adecer on learnign from his mistakes: "Siyempre, pag may ginagawa kang masama, napapalo kayo, di ba? So, napalo ako, and from there, dalawang desisyon lang—either I learn from it or repeat it, and mas worse yung mangyayari."
PHOTO/S: Noel Orsal

“My life in 2019? Full of experiences and lessons na sobrang malala, sobra!

“I feel, like, yung maturity ko, yung journey to adulthood, grabe talaga yung mga natutunan kong lessons sa 2019, na mas ready na ako sa 2020.”

Ito ang sagot ni Migo Adecer sa tanong kung paano niya ilalarawan ang kanyang buhay noong nakaraang taon.

Anu-ano ang mga natutunan niya?

“Siyempre, pag may ginagawa kang masama, napapalo kayo, di ba?

“So, napalo ako, and from there, dalawang desisyon lang—either I learn from it or repeat it, and mas worse yung mangyayari,” pahayag ng 20-year-old Kapuso actor.

Noong March 2019, naging balita ang pagkakasangkot ni Migo sa kasong reckless imprudence nang nabangga ng kotse niya ang motorsiklo ng dalawang MMDA employees.

Bukod dito ay naatrasan pa niya ang patrol car ng pulis na nangtangkang humuli sa kanya.

Naayos naman na ang kaso ni Migo.

“So, luckily, matalino naman ako, kaya I chose to learn from my experiences.

Continue reading below ↓

"From that, I think also through Sahaya, my work ethic became more professional, I gave more importance to my work, sa Studio 7.

"Finally, may variety musical show kami, I can express myself musically."

Ang Sahaya at Studio 7 ang mga naging programa ni Migo noong 2019.

Sa kasalukuyan ay isa siya sa regular cast members ng bagong weekly musical-variety show na All-Out Sundays.

OVERCOMING HIS DEPRESSION

May pagkakataon bang na-depress si Migo dahil medyo bumagal ang usad ng showbiz career niya?

“Oo naman!" pag-amin ng StarStruck 6 winner nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday noong January 21, Martes, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

"I mean, hindi naman sa depressed, pero na-sad talaga ako, na-frustrate ako.

"Alam mo yung frustration [na] naging idle ka. Pag idle ka, ayun, devil’s playground.

“So, lagi akong lumalabas, yaya ng mga friends, wala akong desire to work.

Continue reading below ↓

"Pero once GMA gave me the opportunity to play Yuan sa My Love From The Star [2017], ayun, parang yun ang starting spark sa career ko.”

Ano ang reaksiyon ng parents niya sa mga recent na kaganapan sa kanyang buhay, partikular na ang kaso niya last year?

Ayon kay Migo, “Wala, siyempre nag-try silang mag-guide sa akin.

"Pero ako, matigas talaga ang ulo ko, mas matigas sa bato, oo, seryoso ako.”

Ngayong 2020, matigas pa rin ba ang ulo niya?

“Oo, matigas, pero matigas sa magiging maayos. Ha! Ha! ha!

“Solid na, solid na yung behavior ko.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Migo Adecer on learnign from his mistakes: "Siyempre, pag may ginagawa kang masama, napapalo kayo, di ba? So, napalo ako, and from there, dalawang desisyon lang—either I learn from it or repeat it, and mas worse yung mangyayari."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results