Janno Gibbs explains why he and wife Bing Loyzaga still sleep in separate bedrooms

by Rey Pumaloy
Feb 4, 2020
Janno Gibbs on 29-year marriage with Bing Loyzaga: "Alam mo, pag kasal na kayo for kasintagal namin, araw-araw... hindi ko sasabihing okey na siya. Araw-araw, work in progress pa rin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Patuloy na nag-a-adjust sa isa’t isa ang mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

“Alam mo, hindi na ano ‘yan, e.

"Alam mo, pag kasal na kayo for kasintagal namin, araw-araw... hindi ko sasabihing okey na siya.

“Araw-araw, work in progress pa rin. Ganoon talaga, e,” pasakalye ni Janno nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva 2020 Vision presscon noong Enero 28, Martes, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Twenty-nine years nang kasal sina Janno at Bing, at mayroon silang dalawang anak na babae—sina Alyssa at Gabby.

Ibig bang sabihin, hindi pa sila nagkakabalikan ni Bing?

“Hindi naman talaga naghiwalay. Nagkakaproblema lang like any other mag-asawa,” tugon ng 50-anyos na singer-comedian.

“Pero katulad ng sabi ko, araw-araw, ano pa rin, magkakamali, babawi sa mga mali, manliligaw uli.”

Isyu dati kina Janno at Bing ang hindi na nila pagsasama sa iisang kuwarto kahit nakatira sila sa iisang bahay.

Natutulog na ba silang dalawa ni Bing sa iisang kuwarto? Magkatabi ba silang natutulog sa iisang kama?

Continue reading below ↓

“Ahmm… secret!” pambibiting sagot ni Janno.

Ipinaalala namin kay Janno ang isyu ng hiwalayan noon nila ni Bing, at mismong silang dalawa ang nagsabi sa mga interview sa sitwasyon nila noon na hindi sila magkasamang natutulog sa iisang kuwarto.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Paglilinaw ni Janno, “Hindi, eto yung totoo, when we travel, walang issue sa amin, magkasama kami sa iisang kuwarto, natutulog kaming magkasama.

“Sa bahay talaga, sa ibang kuwarto ako natutulog.

"Because... eto, totoo ito... because naiinis si Bing, malakas akong maghilik, that’s one. Hindi siya makatulog.

“Two, I smoke, e. So, ibang kuwarto ako para makasigarilyo, plus malakas nga akong maghilik.

“Pero the rest of the day, magkasama kami.”

Paano niya nasabing "work in progress" pa rin ang pagsasama nila ni Bing?

“Mahirap magsalita, e,” pag-iwas ni Janno.

May mga binabalikan pa rin bang issues?

“Oh, lagi, lagi!” natatawang pag-amin ni Janno.

“Di ba, may gawin lang akong konti, siyempre, sasabihin niya, ‘Naalala mo ba yung ginawa mo noon?’ ‘Tapos na yun, ah, oo nga, sorry, sorry.’ Ganun.

Continue reading below ↓

“Siyempre, marami akong palpak, e. So, kailangang bumawi ako.”

Paano siya bumabawi?

“Sa action na lang, makikita naman sa action ko, e.

"I’m there for her. Kahit sa career niya, sumusuporta ako.

“Alam mo kami, hindi lang kami ma-showy sa social media.

"Medyo kinikilabutan ako sa ‘I love you, hon. I love you, babe.’ Hindi kami ganoon kahit in person.

“Pero when we are alone, ayan, holding hands, akbay, okay.

"Pero in public, kahit yung mga anak namin, mahihiya sa amin.

"Ganoon kami. Medyo chill kami talaga as a family."

JANNO'S DAUGHTER IS GETTING MARRIED

Ikakasal na ang panganay na anak nina Janno at Bing na si Alyssa sa fiancé nitong si Anton Cruz sa April 2020.

Inihahanda na raw ni Janno ang sarili sa tiyak na pagiging emosyonal bilang ama.

“Alam mo, iyakin ako. For sure, iiyak ako.

“Pero kasi, yung mapapangasawa niya, five years na naming kasama.

"So, hindi na bago sa amin.

Continue reading below ↓

“Nakakasama na namin abroad, five times na yata or more. Natutulog na sa bahay yung fiancé nya.

“So, hindi na ako mabibigla,” saad ni Janno.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on 29-year marriage with Bing Loyzaga: "Alam mo, pag kasal na kayo for kasintagal namin, araw-araw... hindi ko sasabihing okey na siya. Araw-araw, work in progress pa rin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results