Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sharon Cuneta accused of criticizing daughter KC Concepcion on social media; Megastar hits back

by Bernie V. Franco
Feb 4, 2020
Sharon Cuneta to netizen who accused her of criticizing daughter KC Concepcion online: “kaya nga ako nagpost kasi sinagot ko lang ang post niya. She hasn’t texted either. And believe me – you have NO IDEA what’s going on so huwag magmarunong."
PHOTO/S: Noel Orsal / @itskcconcepcion on Instagram

Sinagot ni Sharon Cuneta ang ilang netizens na bumabatikos at kumukuwestiyon sa pagiging ina niya kay KC Concepcion.

Si KC ay anak ng Megastar sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.

Nitong Lunes, February 3, gumawa ng appreciation posts si Sharon sa mga artistang kagaya nina Liza Soberano, Enrique Gil, at Angel Locsin.

Sa kanyang appreciation post kay Angel, nagpasalamat si Sharon sa respetong ibinibigay raw nito sa kanya.

Sa comments section, isang netizen ang kumastigo kay Sharon dahil sa pagpaparinig diumano nito sa sariling anak na si KC.

Ayon sa netizen, ang parinig na ginagawa ni Sharon kay KC ay “too much.”

Mensahe ng netizen (published as is): “Puro k parinig sa pnganay mo. Nanahimik sya d k naaawa.”

Binatikos din ng netizen si Sharon dahil sa social media pa raw nito pinatatamaan si KC.

Sabi naman ni Sharon, walang masama kung pasalamatan niya ang kagaya ni Angel na naging mabuti sa kanya.

Continue reading below ↓

Buwelta ng actress-singer (published as is): “nagpasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad?

“Ang tinatamaan guilty kahit hindi sya ang iniisip. Konting lawak ng pag-iisip naman.”

Sinagot din ni Sharon ang mga nagkomento tungkol sa tampuhan nilang mag-ina.

Ani Sharon: “wala kayong alam sa mga nangyayari.

“Ano itong tampong di matapos? Baka kaya mas malalim?

“Huwag na kasi makialam.”

Diin pa niya: “Wala talaga kayong alam.”

Continue reading below ↓

"TOXIC MOM"

Sa isa pang post, sinagot ni Sharon ang isang netizen na tinawag siyang “toxic mom,” kaya hindi raw masisisi si KC kung lumayo ang loob nito sa kanya.

Pinayuhan din ng netizen si Sharon na kausapin nang personal si KC, at huwag idaan sa social media ang paglalabas ng hinaing sa anak.

Continue reading below ↓

“Bigyan mo naman kahihiyan anak mo,” banat pa ng netizen.

Depensa ni Sharon, kaya siya sumagot sa social media ay dahil naunang nag-post si KC.

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang sinagot niyang Instagram post ni KC noong January 6.

Sabi ni Sharon sa netizen: “kaya nga ako nagpost kasi sinagot ko lang ang post niya.

“She hasn’t texted either.

“And believe me – you have NO IDEA what’s going on so huwag magmarunong.”

Dagdag ng Megastar: “btw mas lalong di dapat binibigyan ng kahihiyan ng anak ang magulang.”

Continue reading below ↓

SHARON CITES BIBLE VERSES

Nito ring Lunes, February 3, nag-post ng Bible verses si Sharon.

Ang unang verse ay tungkol sa pagkilala sa mga magulang.

“Deuteronomy 5:16 Honor your father and your mother, as the LORD your God has commanded you, so that you may live long and that it may go well with you in the land the LORD your God is giving you.”

Ang pangalawa naman ay tungkol sa pagbibigay ng kahihiyan sa pamilya.

“Proverbs 11:29 Whoever brings ruin on their family will inherit only wind, and the fool will be servant to the wise.”

Isang netizen ang nag-post ng mahabang komento tungkol dito.

Pinaratangan niya si Sharon na wala sa tabi ni KC habang lumalaki ito, at ang ina ng Megastar na si Elaine Cuneta ang nag-aruga kay KC.

Bahagi ng komento ng netizen: “stop being so critical, stop shaming her, make her comparisons with your other children… stop begin a kiss-ass to other people…”

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol ni Sharon ang sarili.

Aniya, wala siya sa tabi ni KC habang lumalaki dahil kailangan niyang kumayod para sa kanilang mag-ina.

Hindi rin daw niya kailangang maging “kiss-ass” o maging sipsip kahit kanino.

Buwelta pa ni Sharon sa netizen, wala itong alam sa tunay na sitwasyon.

Bahagi ng komento ng Megastar: “You can’t stand me but you can’t leave me alone when you have no idea what’s going on.

“And you better thank God I’m not talking about what really happened.”

Continue reading below ↓

Nakahanap naman ng kakampi si Sharon sa kanyang supporters na todo ang pagtatanggol sa kanya.

HOW IT ALL STARTED

Nagsimula ang isyu sa pagitan nina Sharon at KC nang bigyan ng birthday tribute sa ASAP Natin ‘To ang Megastar noong January 5, 2020.

Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Sharon ang asawang si Senator Kiko Pangilinan at ang tatlo nilang anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ng Megastar si KC, na hindi dumalo sa birthday tribute sa ina.

Nagbitaw ng mga salita si Sharon tungkol sa pagbibigay ng respeto sa mga magulang ng isang anak.

May post din si Sharon tungkol sa pamilya, ngunit hindi niya binanggit dito sa KC.

Sa isang Instagram post noong January 6, nag-sorry si KC at nagpahayag ng pagmamahal kay Sharon.

Ayon pa kay KC, sinisikap niyang maging proud sa kanya ang ina.

Pagkalipas ng tatlong araw, nag-post naman ng open letter si Sharon para kay KC.

Inilabas niya rito ang hinaing kay KC, na aniya ay hindi nagpaparamdam sa kanila tuwing mahahalagang okasyon at tila lumalayo sa kanya.

Nitong weekend naman ay nag-post si KC tungkol sa bonding nila ng amang si Gabby Concepcion.

Nagsunud-sunod din ang mga post ni Sharon, at marami rito ay tungkol sa kanyang pamilya.

Pero wala sa kanyang recent posts ang tungkol kay KC.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta to netizen who accused her of criticizing daughter KC Concepcion online: “kaya nga ako nagpost kasi sinagot ko lang ang post niya. She hasn’t texted either. And believe me – you have NO IDEA what’s going on so huwag magmarunong."
PHOTO/S: Noel Orsal / @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results